Chapter 8: The Trap

1.8K 71 41
                                    

A/N:  Sa mga nagtatanong kung bakit may two parts ang isang chapter, ito’y sa kadahilanang masyadong maiksi ang isang part. Normal dapat na number of words ay 2500-3000. Kapag hindi ko ‘yan ma-meet sa isang UD, natural na sa akin ang may part two.

Pero, dito lang ‘yan sa WP. Sa manuscript ko, hindi ‘yon putol-putol.

*******

Chapter 8

        Naguguluhan pa rin si Diara kung ano ang mga nangyayari ngunit hindi pa rin siya patitinag. Hindi na siya ang dating Snow White na madaling mauto at madaling masaktan. Iba na siya. Malaki na ang pagkakaiba ng pagkatao niya noon at ngayon.

        Tumahimik siya at nag-concentrate nang mabuti. Kailangang hindi manaig ang takot sa kanyang katawan. Kailangan niyang lumaban. Kailangan niyang manalo.

        Without a word, mabilis niyang inihampas ang dala niyang bag na nakasabit lang sa kanan niyang balikat kay Eze. Sa sobrang lakas nito, at nasapul pa niya sa mukha, alam niyang malakas ang epekto nun sa kanyang katawan.

        “What the—“ hindi pa nakatapos sa pagsasalita si Bliss, tumama ang bag ni Diara sa kanyang sikmura. Nilagyan niya ‘yon ng kanyang aura na mas higit pa sa sampung beses ang lakas ng isang suntok ang epekto sa kung sinuman ang matatamaan.

        Nahawakan siya ni Eze sa kanyang kamay. Mukhang mabilis nakahuma sa tiring ‘yon si Eze, “Hindi ka makakatakas nang ganun kadali,” banta nito.

        Imbes na matakot, ngumisi lang si Diara sa kanya. “This is my world, you fool!”

        Mabilis din siyang nakawala sa pagkakahawak nito pero isang tira mula sa kanyang harapan ang nagpabagsak kay Diara sa lupa. Hindi niya ‘yon inaasahan. Halos hindi na siya makahinga pa sa pagpasok ng mga kuryente sa kanyang katawan. Simpleng gadget lang naman ito sa kanyang mundo pero kung makatama ay talagang mapupuruhan.

        Bumagsak ang kanyang likod sa kalsada. Nangingisay siya sa tama nito. Sa bawat sakit na pumapaloob sa kanyang katawan, hindi maiwasang hindi maalala ni Diara ang kanyang nakaraan, isang araw bago pa siya naglaho sa mundong ‘yon.

        Katulad nito, ganito lang kadali ang lahat.

        “Ang sabi ko, hindi ka na makakatakas pa, prinsesa.” May halong pagdidiin pa sa bukas nito ang salitang ‘diin’ na mas lalong nagpagana sa utak niyang gusto pang lumaban.

        Naglakad sa kanya papalapit si Bliss at yumuko, kasabay ang paghawak nito nang mahigpit sa kanyang baba para i-angat ang kanyang mukha. Nagtama ang kanilang mga mata. Ramdam niya ang malamig na haplos nito sa kanyang mukha. Gusto niyang umiwas pero sadyang napakalapit ng mukha nito sa kanya.

        “You’re still beautiful as ever..” Halos ilang pulgada na lang ay madadampian na nito ang kanyang labi. “Wala pa ring makakapantay sa ganda mo, Snow. Labing-pitong taon na rin pala ang nakalipas simula na nang lumayas ka sa palasyo. Ngayon, sa ayaw mo o sa gusto, kailangan ka na naming ibalik.”

        Never.

        Dunuraan ni Diara ang gwapong mukha ni Bliss. Hindi siya makakapayag na hahantong na lang sa ganitong kapalaran ang lahat. Imbes na mab’wisit, tumawa lang si Bliss sa kanyang harapan. “Ganyan ba ang pambungad-bati mo sa ‘kin? Wala pa ring pagbabago.”

        Nag-angat ng tingin si Bliss kay Eze at sinenyasan. Isang senyales na babalik na sila sa tunay nilang mundo. Tumango si Eze at tumayo sa harapan ng isang sementong pader na punong-puno ng vandals ng mga kabataang walang magawa kundi ang dumihan ang isang malinis ng pader.

ADK V: Dark Kismet (✔️)Kde žijí příběhy. Začni objevovat