Chapter 12: Ivan's Mission

1.7K 65 10
                                    

A/N: I decided to use present tense. Kapag may time, i-edit ko rin ang mga previous chapters. Sorry na sa mahabang pagkakatumal. :)

PS: Sapphire and Silver's one shot story is pretty awesome! "One of the best fantasy one -shot story in this season that I have read", says Coach Mikel of Liriko One Shot Writing Contest. Puwede niyo iyon mabasa sa "Invisible Realm". Unedited.

_Kyrian18

****

Chapter 12: Ivan's Mission

Nakakawindang na ang mga nangyayari, mas lalo pang sumasakit ang ulo ni Ivan. He feels something strange with this kid. O baka naman iba ang kanyang pagkakaintindi?

"Kamangha-mangha!" bulalas pa nito habang siya naman ay hindi na mapakali. Isang matinis at medyo mahinhin para sa boses ng isang lalaki. Wala ka sa kanya ang pokus ni Ivan. Sa mga oras na ito, wala pa rin siyang kaalam-alam kung naasan sila napadpad Nasaan na nga ba sila? Halos wala na siyang makita sa sobrang dilim ng kapaligiran.

Gusto niya sanang bumalik sa dati niyang kinalalagyan, pero, may kakaiba. May pumipigil. Hindi niya alam sino o paano. Sadyang hindi lang niya kayang gamitin ang kanyang kapangyarihan na mag-teleport. Mas tumitindi ang pakiramdam ni Ivan na nasa peligro siya, at pati na rin ang kasa-kasama niya.

"Sino ka, estranghero?" tanong ng kasama niya. Napakunot ang noo ni Ivan. Napabuntong-hininga sa sobrang pagkadismaya. He can't believe everything that happens. Kailangan na niyang makita ang babaeng 'yon sa lalong madaling panahon, pero, mukhang malaba na ang kanyang unang ideya. Para gawin 'yon, kailangan niya munang umalis sa lugar na 'to.

Halos hindi na maaninag ni Ivan ang mukha nito na nagkukubli sa dilim. "Hindi ka tagarito. Umamin ka, lalaking may kakaibang kasuotan. Isa ka bang bagong alagad ng hari?"

Ivan arcs his brows. Nararamdaman niya ang kakaibang presensiya na bumabalot sa kanyang buong kapaligiran. The wind feels colder than usual. Darkness seems eternity. Mabuti na lang at nasanay na siya sa dilim. At kahit na alam ng lahat ng namana niya ang kapangyarihan ng kanyang lolo sa tuhod na si Zeus mismo, hindi pa rin maipagkakala na apo pa rin siya ni Hades.

"Umamin ka na, estranghero! Umamin ka na kung ayaw mong mamatay dito mismo," pangungulit na naman nito. His voice is echoing all over the place. Halatang tago ang buong lugar at selyado.

"Hiindi kita tinatakot! Binabalaan lang kita sa kung ano ang magyayari sa 'yo," dagdap na naman nito.

Naririndi na si Ivan. Isa lamang itong maliit ng batang lalaki. Mukha pa yatang walang kaalam-alam sa pakikipaglaban. Natatawa siya nang pagak. Hindi niya alam kung sino ang kanyang kaharap.

Inilahad niya ang kanyang kamay at nag-concentrate nang maigi. Ilang segundo pa ang nakakalipas, nag-iiba na ang ihip ng hangin. Umiikot ito sa kanyang dalawang kamay, at gumagapang sa kanyang buong katawan. He feels the warmth sensation coming from his own unique powers. All that's needed for him to see where he is right now is a little lightning. Mas lalo niyang nararamdaman ang kakaibang init na dala-dala ng kanyang mga kidlat. Maliliit na boltahe lamang ang kanyang ginawa, pero, sapat na 'yon upang maaninag niya ang buong kapaligiran.

Hindi nga siya nagkakamali, he is somewhere deep...underground. Wala siyang nakikitang kakaiba kundi puro mga bato, lupa, at mga patak ng tubig na hindi pa rin niya alam kung saan nanggagaling. Ang nasa isip lang niya kanina ay tumakas at maging ligtas. Kaya hindi niya pa rin alam kung paano nangyaring nakarating siya sa ibang lugar na katulad nito.

Ang mga titig ni Ivan ay bumabaling sa isang maliit na anino na tila ba'y humahaba pa nang matamaan ng kanyang liwanag, bago pa niya tiningnan nang maigi ang nagmamay-ari ng aninong 'yon. He is in a great shock when he finds out that he's not a he...but a she.

ADK V: Dark Kismet (✔️)Where stories live. Discover now