Chapter 36: The Unending

1.4K 63 15
                                    


Author's Note:

Hello, guys! Salamat sa pagtatatiyagang maghintay ng UD ko sa istoryang ito. Asahan niyong magiging aktibo na ako sa Wattpad world sa mga sumusunod na araw. Salamat sa pagbabasa. Sobrang appreciate ko talaga as a writer. Kung may gusto man kayong i-comment sa buong kuwentong ito, feel free to comment at masaya akong babasahin 'yon isa-isa. Kung ano ang feel niyo sa istoryang ito. Balato niyo na lang 'to sa akin. <3

Happy reading sa last chapter!

- Kyrian18

***

There are things that no one can't understand of what exactly are one's feelings. Sabi nila, Ivan can move on. Sabi nila, makakaya rin niyang kalimutan ang prinsesa dahil hindi naman gano'n katagal ang kanilang samahan. They're not even consider as friends. At sa mga mata ng lahat, hindi gano'n kalalim ang connection niya kay Diara, dahil kung tutuusin, wala naman silang pinagsasaluhang mga magagandang alaala. But they are wrong. Hindi nila iyon randam, pero alam niyang mayro'n. Sa puso at isipan niya, alam niyang mas higit pa sila ro'n ni Diara.

"Salamat sa tulong mo at sa iba. Manunumbalik na ang kapayapaan ng Yuteria."

Parang hangin na lang ang mga salita ni Brooke kay Ivan dahil wala naman talaga ro'n ang kaniyang atensiyon. Malayo. Nasa Forbidden Forest kung nasaan ang nakahimlay ang natatanging libingan ng prinsesa. Napabuntong hininga pa si Ivan, bago niya nilingon si Brooke.

"Sasama ka ba sa 'kin?" tanong ni Ivan.

Umiiling-iling si Brooke at lumingon sa palasyo, "Wala na ro'n ang prinsesa. At mas kailangan ng mga tao ng mamumuno. Mas kailangan ako rito kaysa sa mundong 'yon. Mag-iingat ka na lang."

Marahan na lang na tumango si Ivan habang naghahanda nang umalis.

"Kuya! Mag-iingat ka, a! Bumalik ka rito!" kumaway-kaway pa ang kapatid ni Tearra na si Ysures sa kaniya. Nandoon din ang iilan sa kaniyang nakasalamuha niya sa kaunting panahon na namalagi siya sa Yuteria.

Napangiti na lang si Ivan nang makitang naka-gown na ang dalagang inakala niyang binatilyo. "Mag-iingat ka rito. Ingatan mo ang ate mo. Kailangan ka niya ngayon."

Para pang maluluha ang dalaga sa sinabi ni Ivan. Alam niyang malalim din ang sugat sa puso ni Tearra. Hindi gano'n kadaling mag-move on. Alam niya, dahil iyon ang nararamdaman niya ngayon.

"Mag-iingat ka, Kuya! Balang araw ay makakatagpo ka rin ng babaeng nararapat ng puso mo."

Lumungkot ang mga mata ni Ivan. Marami ngang babae, maraming isda ang lumalangoy sa karagatan. Pero isa siyang penguin. Isang beses lang kung tatamaan. Mabuti na lang at namana niya ang pagiging faithful niya sa kaniyang mga magulang, at hindi kay Zeus.

"Papasyal ka pa ba rito?" tanong ulit ni Ysures, na kay hirap sagutin.

Gusto niyang makita si Diara, pero hindi niya alam kung kakayanin ba niya ang sakit sa tuwing masisilayan ang kaniyang lantarang kabiguan at kapalpakan.

Mas lalo tuloy bumigat ang kaniyang pakiramdam. Ang hirap. Napakahirap tanggapin ang lahat. Ayaw pa rin niyang maniwala na mawawala na lang si Diara nang gano'n-gano'n na lang.

"Tulala ka na naman," sita sa kaniya ni Brooke. "Mas maganda siguro kung lumayo-layo ka muna rito para makahinga ka. Para makalimutan mong minsan sa buhay mo ay may isang Diara Vena."

Hindi sang-ayon si Ivan sa sinabi ng prinsipe pero hindi na rin siya kumibo. Hindi lang si Diara ang nawala kay Brooke. Namatay din ang kapatid nitong si Kluner. At hindi lang 'yon ang naglaho sa buhay ni Brooke. Madami pa. Ang ilan ay hindi pa nababalik.

ADK V: Dark Kismet (✔️)Where stories live. Discover now