Chapter 9: The Beginning

1.8K 71 19
                                    

A/N: ADK COMPILATION, panibagong compilation ulit ng mga one shot/short stories na hango sa ADK series. Ang unang kwento ay patungkol sa anak ni Morpheus. Sana magustuhan niyo rin. :)

- Kyrian18

****

Chapter 9: The Begining

Of all people who could actually see their situation, why him?

Lumingon si Bliss sa kinatatayuan ng bagong dating na walang-imik pa rin na nakatingin sa kanilang tatlo. Namumutla na ang mukha nitong pinagmamasdan sila sa loob ng barrier. Hindi na rin mahuhulaan pa ni Diara kung aatras o aabante ang mga paa nito. Sa karami-raming pwedeng mapadpad sa buong lugar, bakit si Brooke pa?

Ang tadhana talaga kung mang-asar, nakakapikon. Nakasuot pa rin ng uniporme, kitang-kita ni Diara sa gwapong mukha ng prinsipe ang pagkabahala at pag-alala.

"Diara!" Kahit pa hirap na hirap na siya, naririnig pa rin niyang ang malakas na boses ni Brooke. Pinupukpok niya ang barrier gamit ang sariling nitong kamay. Halos marinig niya ang kaunting ingay na nagagawa ni Brooke, "Anong gagawin niyo sa kanya? Let her go!"

Hindi man lang natinag o natakot ang dalawang kasama sa seven deadly assassins na kilalang-kilala sa buong lugar. Malapad ang ngisi si Eze habang nagpatuloy pa rin na buksan ang lagusan. Kaunti na lang at madadaanan na nila ito. Kaunti na lang malapit na siyang mamamaalam sa nakasanayan na niyang buhay sa mundong kanyang kinalakihan.

"Get him!" utos ni Eze, "Kay gandang pagkakataon nito! Matutuwa talaga nang husto ang hari kapag silang dalawa ang mauuwi natin! Tiba-tiba na naman tayo!"

Napansin din ni Diara na ngumiti na rin si Bliss sa sinabi ni Eze. Hindi niya alam kung saan siya unang mab'wisit; ang pagdating ni Brooke na may napakamalas na timing o ang makita ang kanyang buhay dati. Hindi pa siya handa. Hindi pa niya kayang makita ang mga taong tunay na nananakit sa kanya. Hindi pa niya kayang harapin ang mga bangungot ng nakaraan. No matter how she tried to make herself be as courageous as she could, nothing seemed to be alright.

Naramdaman na lamang niyang ibinaba siya ni Bliss sa lupa at isinandal sa pader, katabi ni Eze, at malumanay naglakad papalapit kay Brooke.

"Your wish is our command, Prince Brooke," pangisi pang tugon ni Bliss habang may kinukuha sa kanyang bulsa. Isang uri ng device na hugis-parisukat. Bigla na lamang itong luminag sa kanyang kamay na may kulay na pinaghalong asul at pula. Bago pa man nakahuma sa mga pinagagawa ni Bliss, nakita na lang ni Diara na kaagad na hinatak ni Bliss si Brooke, at parang wala man lang kahirap-hirap na nakapasok si Brooke sa barrier.

Kaagad na tumakbo ang prinsipe papunta sa kanyang gawi, lumuhod, at naramdaman niya ang mainit na haplos na dumampi sa kanyang pisngi. Punong-puno ng pag-aalala ang mga mata nitong nakatingin lamang sa kanya. Kahit gaano ka-engot ang isang 'to, at para na lamang aso na buntot nang buntot sa kanya, hindi pa rin maitatago ni Diara na natutuwa siya sa presensiya ni Brooke ngayon. She was still glad that she was here. Kahit na alam niyang nanganganib pareho ang kanilang buhay, kahit na wala nang magagawa pa si Brooke kundi ang sumunod na lang, he was still the prince that the world knew.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya kay Diara na halos ayaw nang bitiwan ang kanyang kamay. Sa unang pagkakataon, hindi man lang niya hinablot ang kamay niya kay Brooke, hindi dahil sa wala na siyang lakas kundi masaya lang siyang hindi siya nag-iisa sa ganitong sitwasyon, "Don't worry. Hindi kita pababayaan, prinsesa."

Narinig na lamang ni Diara ang mga malulutong na halakhak ni Eze at saka lumapit sa kanilang pwesto si Bliss na mukhang may balak pa yatang masama. At hindi nga siya nagkakamali. Katulad sa sinapit niya, tinanggalan rin ng lakas si Brooke upang hindi na makalaban.

ADK V: Dark Kismet (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon