Chapter 27: The Rivals

1.2K 52 5
                                    

Part Two

Hindi na niya kaya pang tingnan ang mga nangyayari. Gusto umalma ni Brooke at pigilan ang mga sumusunod na hakbang ni Teara. Hindi niya kayang maatim tingnan ang dalawang babaeng nagpapatayan sa kaniyang harapan. They're both special to him. At kahit na hindi niya kayang suklian ang pagmamahal ni Teara sa kaniya, o kahit na hindi siya kayang mahalin ng kaniyang prinsesa, ay hindi pa iyon sapat para pabayaan na lang ang dalawa.

At nang akmang ihuhulog na sana ni Teara si Diara sa torre, parang gustong magulantang ni Brooke. Gusto niyang pigilan ang binabalak ni Teara. Pero, hindi kaya ng kaniyang katawan. He's too weak to even move.

"Teara!" Isa pang sambit, nagbabakasaling makinig ito sa kaniya. "Pakiusap, Teara, huwag mo nang ituloy ang mga binabalak mo. Hindi ikaw 'to."

Napalingon si Teara sa kaniya. Hawak-hawak pa rin si Diara na halos hindi na makakilos dahil sa pamparalisa. She looks so weak, pero wala sa mga mata nito ang galit na dapat ay mayro'n. And for that, he admires her more.

"Sana ay kaya mo rin akong tingnan na ganiyan," panibugyo ni Teara, "Sana ibinaling mo na lang sa akin ang iyong buong atensiyon at pagmamahal. E, 'di sana, hindi ka nasasaktan nang ganito. Hindi rin sana ako magkakaganito. Buong buhay ko, minamahal kita. At kahit na alam kong nakatakda ka nang magpakasal sa iba, minamahal pa rin kita, aking prinsipe."

Ramdam na ramdam ni Brooke ang bawat pait at lungkot sa mga mata ni Teara. He knows that poignant feelings. At sa bawat luha nitong dumadaloy sa mga pisngi nito, kahit siya ay hindi kayang magalit kay Teara. Napalitan iyon ng awa at matinding kalungkutan.

"Patawad, aking prinsipe. Pero, mas gugustuhin kong patayin ang babaeng 'to kaysa dakpin at ibigay sa kaniyang ama."

***

Wala ng oras. Kung pwede lang mag-teleport ay ginawa na ni Ivan. She needs him there. Halos madurog ang puso niya sa sinapit ni Diara sa kabila.

"Kakaiba kang nilalang," bulalas ng kaniyang katunggali. Mas matangkad pa ito sa kaniya. May pagkamalusog din ang pangangatawan. Mayro'n itong kulay gintong espada, habang kapansin-pansin sa kaliwang kamay nito ang kakaibang teknolohiya, na nagpapakontrol sa harang.

"Kung ako sa 'yo, pakawalan mo na ako," pangiti niyang banta. Ilang beses na niyang sinubukang mag-teleport, pero wala pa rin.

At hindi lang iyon ang problema. Nararamaman din niya na hinihigop mismo ng barier ang kaniyang lakas.

"Hindi ko alam kung ano'ng klaseng nilalang ka. Pero, magagamit namin ang lakas mo."

Hindi na nakapagtimpi, mas lalo pang lumapad ang pagngiti ni Ivan sa kaniyang katunggali. "Gusto mo pala ang lakas ko. Dapat sinabi mo kaagad para napagbigyan kita."

Nagpokus si Ivan sa kaniyang kapangyarihan at sinimulan niyang ilabas ang kaniyang enerhiya. Hinayaan niyang makuha ang mga iyon sa teknolohiyang iyan - kagaya ng kaniyang naisip na plano.

Umiilaw ang buong barrier na parang isang higanteng bombilya. At si Ivan ang nasa loob. Mula sa matinding liwanag, parang sumasayaw ang mga bultahe ng kidlat sa loob.

"Isang salamangka! Paano mo iyan nagagawa ng walang ginagamit na ano?" pagtatakang tanong nito sa kaniya.

Ngumiti lang si Ivan at mas tinodo pa ang ginawang pagpapalabas ng enerhiya. No'ng una ay masaya pa ang kaniyang kaharap.

Napangiti pa siyang lalo habang napaatras ito.

"Hindi ito maaari! Hindi! Tigilan mo iyan!" utos nito sa kaniya, na hindi niya kayang sundin.

At tama nga ang kaniyang hinala. His powers are too much for that device. Nagsisimula na itong umusok, na kaagad namang binitiwan ng lalaki. Wala pang isang minuto, tuluyan na itong sumabog. Naglaho ang barrier. Halos matanga ang lalaki nang magkalat sa buong paligid ang mga itim na thunderbolt.

Nagkasabog-sabog ang mga ilaw sa pasilyo, kasama na ang mga salamin, at iyong mga tela na nadapuan ng mga boltahe ay nagsisimula nang masunog.

Napaatras ang lalaki habang nakatayo lang si Ivan. Kapansin-pansin sa mga mata nito ang sobrang takot at pagkalito sa nasaksihan.

"S-sino ka? A-Ano ka?" garalgal nitong tanong. Nagpalabas pa ito ng sandata kahit nanginginig na ang mga kamay.

Parang timang na bigla-bigla na lang sumugod, nag-teleport siya bago pa man tumama ang espada sa kaniyang dibdib. Pumunta si Ivan sa likod na bahagi ng lalaki, at mabilis na tinamaan niya gamit ang kaniyang sariling kamay ang batok nito. Mas malakas pa ang naging pwersa nang lagyan niya iyon ng iilan sa kaniyang boltahe.

Bumagsak ang lalaki, na kaagad nawalan ng malay.

I'm a god, fool. Do not underestimate me.

***

Gustuhin mang gumalaw ni Diara ay wala na siyang magagawa pa. Her body is already paralyzed. At hindi niya alam kung paano malulusutan ang eksenang ito.

Teara is already made up her mind. She wants her killed. At na gano'n, hindi niya kayang magalit sa kaniyang dating kaibigan.

"Magpaalam ka na, prinsipe." Iyon lang ang sinabi ni Teara bago siya nito itinulak sa ere.

Halos hindi makahinga si Diara nang maramdaman niyang bumabagsak ang kaniyang katawan pababa. Gusto niyang paganahin ang kaniyang natatagong kapangyarihan. Na kahit wala siyang sasabihin ay maririnig siya ng mga hayop sa paligid.

Pinilit niya...at nakikita niyang gumagalaw naman ang mga ibon sa paligid, lalo na iyong nasa himpapawid. Nakatatak pa rin ang dagger ni Teara sa kaniyang likod. Natuwa si Diara nang mabilis na nag-uunahan ang mga ibon papunta sa kaniyang gawi. Nararamdaman niya ang mga maliliit na pwersa nito sa kaniyang likuran, hinahatak siya upang mabawasan ang impact ng kaniyang pagkalaglag.

Ngunit, hindi pa pala sapat. Kaunti lang ang mga ibon. Hindi pa rin pala siya kaya. Napapikit si Diara sa anumang mangyayari. Naririnig niya ang boses ni Brooke na tinatawag ang kaniyang pangalan. Siguro...siguro nga ay wala ng pag-asa pa.

Halos mapaiyak na lang si Diara habang nalalaglag ang kaniyang katawan.

"You're crying again." Isang boses ang kaniyang naririnig mula sa kaniyang likuran. Halos magdiwag ang kaniyang puso sa boses na iyon. "Libre kang mahulog kahit saan. Sasaluhin at sasaluhin pa rin kita."

Hindi siya nagkakamali. Si Ivan ay kasama niya sa ere na nagpapahulog din. Niyakap siya nito at mabilis na nag-teleport sa ibang lugar. Halos wala na siyang maramdaman pa dahil sa pagkalat ng kemikal sa kaniyang katawan. Pero, ang puso niya, nararamaman pa rin ni Diara ang pagbilis ng pintig nito. 

Nakatayo si Ivan habang maingat na huwag madiinan ang nakatarak sa kaniyang likuran. Nakatayo sila sa unahang hakbang ng hagdanan sa torre,na kung saan ay kapwa natulala sina Brooke at Teara.

Seryoso ang mukha ni Ivan habang nakatingin kay Brooke.

"Hindi naparito ang prinsesa para rito. You're her prince, right? But I'm sorry to tell you, she's not your princess anymore." seryoso nitong pagkakasabi.

"Pakialamero! Sino ka ba?" galit na galit na tanong ni Teara, halatang dismayado sa nangyari.

Isang ngiti lang ang itinugon ni Ivan. "Ako ang lalaking nakatakdang mamahalin niya nang pangmatagalan, higit pa sa isang happy-ending."

Hinalikan na lamang siyang bigla ni Ivan sa kaniyang mga labi. Sa sobrang pagkagulat, hindi niya halos napansin na nalaglag ang nakatarak sa kaniyang likuran, na paunti-unting bumabalik ang kaniyang lakas, at pati ang kaniyang kilos ay nakokontrol niya.

Pulang-pula ang kaniyang mukha sa halik na iyon. So gentle that it still takes her breath away.

"I want you to make you feel that you don't need anyone, aside from me." Pabulong lang iyon pero halos matunaw si Diara sa mga banat niya.

Halos nakalimutan niyang nandoon pa sina Teara at Brooke. Hindi niya kayang tingnan ang mga mata ni Brooke na napupuno ng selos. Alam niyang sinadya iyon ni Ivan. At alam din niyang nadurog si Brooke nang husto.

Hindi totoo ang happy-ending sa isang fairytale. Walang gan'on. Dahil sa mga oras na ito, alam niyang winakasan ni Ivan iyon. Winakasan ang istoryang inakala ring kaniya.

****

A/N: Hi, guys! Posted na po ang Prologue ng Book 6. :)

- Kyrian18

ADK V: Dark Kismet (✔️)Where stories live. Discover now