Chapter 20: One More Chance

1.3K 65 3
                                    

Part One

Ivan.

She has a lot to explain. Kaso, parang nauutal si Diara. Pakiramdam niya, umiikli ang dila niya. At halos hindi niya kayang titigan ang mga mata ni Ivan na sobrang dismayado sa kaniya. His dark eyes aren't sparkling than it used to. Hindi niya kayang makita ang mga mapupula nitong labi na nawalan ng ngiti. She knows that he's angry. At sa oras na ito, para siyang naging estrangero na lang bigla sa kaniyang harapan.

"I-Ivan--" pinilit niyang magsalita, "I-I'm sorry." Ayon lang ang kaya niyang sambitin at alam na nito kung anuman ang ibig niyang sabihin. She lied. She is a traitor. They are enemies.

Humakbang si Ivan. Isang hakbang lang iyon pero pakiramdam ni Diara, parang nag-slow motion ang lahat ng bagay. Naka-focus lang siya sa isang hakbang paatras. She feels that it's just more than a step. Parang ang layo bigla ng kanilang agwat. At parang nasaktan siya sa ginawa ni Ivan.

She deserves it. Her aches silently but she deserves it. Batid niyang hahantong ang lahat sa ganito, pero mahirap pa lang umakto na para bang wala lang sa kaniya.

At habang palihim siyang nagdadamdam sa mga nangyayari, mas lalong lumalakas ang tawa ni Jayven sa hangin. Habang may nawawasak na isang samahan, mas lalo niyang naririnig ang mala-demonyo nitong hagikhik.

"Game over, Diara."

Narinig pa niyang bumulong sa hangin habang ang isa niyang katawan ay tila ba dinadala at binubuhat ng kusa sa hangin.

Mabilis niyang ikinilos ang kaniyang katawan para puntahan si Snow White pero hinaharangan siya ng mga salamin. Hinahadlangan siyang makarating sa kabilang dulo.

"Hindi maaaring makuha mo siya!" sigaw niya sa hangin habang itinira ang kaniyang palaso. "Wala na akong pakialam kung anong klaseng nilalang ka pa! Pero dito lang si Snow!"

Nabasag ang mga salamin sa kaniyang harapan at mas lalo siyang nahihirapan, puntahan si Snow.

"Sige, subukan mo lang kunin, Diara. Tingnan natin kung hanggang saan ang kayo mo."

Wala ng pakialam pa, tumapak pa rin siya sa mga bubog sa sahig. Nakipagsabayan pa rin siya sa mga nagliliparang pira-pirasong mga salamin. Nahihirapan siya habang nasusugatan. Mahapdi ang mga hiwa ng salamin sa kaniyang balat. Napuruhan ang kaniyang kaliwang binti, ang kanang braso, at may dumaplis pa sa kaniyang leeg. Humahalo ang dugo niya sa mga bubog. At kahit na ganun, iniinda pa rin ni Diara ang sakit.

"Foolish little girl." Narinig niya ang isang bulong. "Huwag kang gagalaw!" utos ng isang boses ng babae na para bang nasa isip lamang siyang kinakausap.

Guni-guni. Iyon lamang ang kaniyang naiisip. Mukhang pinaglalaruan na lamang siya ng kaniyang pag-iisip. Her mind wants her to stop because it is stupid enough to continue.

Isang malakas na puwersa ang humatak sa kaniya sa pader, bago pa man tumusok ang mga bubog sa iba't-ibang parte ng kaniyang katawan. Napahiyaw siya sa sobrang sakit.

Ang para bang nawawalan na siya ng pag-asa sa mga bagay-bagay. There is no Jayven anymore. Kathang-isip lamang ang kanilang pagkakaibigan. There is no Ivan, too.

Hindi na niya alam kung anong klaseng sakit ang dapat niyang unahing damdamin. Sa sobrang dami, hindi na niya alam kung ano ba dapat ang susunod niya planuhin. If she can surpass this, then she doesn't know if she can with Ivan.

Ivan...

Hindi niya alam kung bakit bigla na lamang siyang napaiyak. Pagkatapos nito, saan nga ba siya pupunta? Kahit ang mga nakagisnan niyang mga magulang ay mukhang mahirap na ring pagkatiwalaan.

ADK V: Dark Kismet (✔️)Where stories live. Discover now