Chapter 32: Snow White's Mother

1.4K 52 25
                                    

A/N: I promise myself that I will be back by January 2016. But this will be my gift for you, guys! Surprise! Surprise! Thank you for reading ADK series! Happy new year! I love you! <3

P.S: Thank you for reading, voting, and giving comments. It means a lot.

- Kyrian18

*****

Chapter 32

Malayo ang kinabagsakan ni Ivan at malayo rin ang kaniyang iniisip. Halos ay hindi na siya nakakahinga nang maayos, nang magtama ang kaniyang likod sa binagsakang lupa. Mula sa tatlong palapag, habang naglaban kina Bliss at Eze kanina ay aksidente siyang nahulog sa ibaba. The impact is to great that he can barely move. Kung ordinaryong tao lang siya, malamang ay kanina pa siya napuruhan nang husto. Hindi na nag-abala pang bumaba ang dalawa nang makitang bumagsak siya sa kalagitnaan ng isang grupo ng mga sundalo. At isa pa, naramdaman din nila ang aura ni Diara na sobrang lapit lang sa kanilang gawi. Panigurado ay hinanap na nila ang prinsesa ngayon. 

Para siyang nayayamot sa mga nangyayari. If only he can control space, madali na lang sana ang mag-teleport. Pero, hindi. Kailangan niyang manu-manuhin ang paghahagilap sa prinsesa. At dahil nasa kalagitnaan pa siya ng mga kawal ng palasyo, mas lalo lamang siyang naiirita. Nauubusan na siya ng oras, at hindi iyon nagugustuhan ni Ivan. 

He needs to see Diara as soon as possible. Hindi siya mapakali. Pakiramdam niya'y may kung ano'ng pangit na nangyayari. Hindi niya masabi kung ano, but his heart is aching over something that he doesn't know.

When things seem to fall apart, he wonders if this is meant to be. Hindi alam ni Ivan kung bakit napunta siya sa gusot na ganito. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang clue kung ano'ng layunin niya sa mundong 'to. Ni hindi rin niya alam kung bakit siya nagkakagusto sa isang babaeng walang kasiguraduhan. 

Ivan and her aren't the same as his parent's great love. Ayaw niyang magkompara pero masakit kapag napapaisip siya nang ganito. His parents have fought a great battle for love, unlike them. He fights for freedom of this land. He fights because she needs him to. And not because they're battling for their relationship. 

She never tells him about her feelings. And he has guessed that she won't ever open her heart to anyone. Maybe, because she is Snow White and he's just an intruder of a fairytale story.  He doesn't exist in her world, and so as to her heart. 

Walang gano'n. At ngayon ay napapaisip siya kung may gano'n nga sa pagitan nilang dalawa. Kung may pag-ibig ba o siya lang ang umiibig? Parang isang kuwentong walang twist, alam na niya ang kahahantungan ng kanilang ending - isang cliché na tragedy. 

"Hulihin siya!" sigaw ng isa sa mga kawal na may hawak na espada. Ang pagkakaiba nga lang ay may kung ano'ng bumabalot na kuryente sa hawak-hawak nilang sandata. "Bilisan niyo ang pagkilos!" 

Dalawa kaagad ang unang sumugod sa kaniya. Una niyang napansin ang lupang punong-puno ng putik. 

Old school man kung maituturing, ginamit niya ang putik na iyon upang bulagin ang isa sa dalawang sumugod sa kaniya. Nagpaluhod si Ivan nang sinasadya upang maiwasan ang dalawang sandata papalapit sa kaniyang katawan. Sinikmuraan niya ang isang naputikan, inagaw ang espada nito, bago niya iyon sinipa mula sa likuran. Na -out of balance ang kawal habang ginamit niya ang espadang iyon upang sanggain ang espadang kamuntik nang hiwain ang kaniyang leeg. Lakas sa lakas ang labanan. Mabuti na lang at kapangyarihan lang ang nawala sa kaniyang katawan at hindi ang kaniyang lakas. Nakipag-duwelo si Ivan, kuryente sa kuryente. Umiilaw ang espada sa bawat pagtama nito. Siguro ay magpapasalamat na lang siya kay Xien sa pagturo sa kaniya kung paano gumamit ng iba't-ibang mga uri ng sandata.

Sumugod na rin ang iba. Parang isang asukal si Ivan na napapalibutan ng mga langgam. Sa kasuotan pa lang nila ay naiiba na siya. Parang yari sa kakaibang tela ang kanilang uniporme na sa tuwing nasisinagan ng araw ay lalong kumikinang. Ilang suntok ang pinakawala ni Ivan at ilang tama na rin ang ginawa niya sa mga kawal, ngunit, parang hindi yata sila nababawasan. Isa, dalawa, o higit pa, nawala na si Ivan sa kaniyang bilang. Suntok lang nang suntok, at nagpapalitan ng tama sa katawan.

ADK V: Dark Kismet (✔️)Where stories live. Discover now