Chapter 16: Snow White's Body

1.4K 55 9
                                    

Chapter 16: Snow White’s Body
Part One

Shocked.

Bumagsak sa hindi kalayuan ang lalaking tumawag sa kaniyang pangalan kanina. He snarls with pain at pinipilit na bumangon sa kaniyang pagkakalaglag.

Masakit rin ang kaniyang pagkalaglag, pero mas masakit yatang tingnan ang kawawang nakadapang lalaki sa nagyeyelong sahig habang siya ay nakadagan pa sa likod nito. Namumula bigla ang pisngi ni Diara. She can feel the heat out of embarrassment. Damn. Malay ba niyang bigla na lang siya kakainin ng lupa ng walang pasabi?

A shortcut like this was not really on her mind a while ago. Nakasimangot siya nang maisip ang mukha ng kaniyang madrasta na malamang ay pagtatawanan siya kapag makita nito ang kaniyang nakaka-awkward na sitwasyon. She blinks her eyes once more.

Halos mabilis na tumayo si Diara sa kaniyang pagkakaupo at hindi na iniinda pa ang lakas ng impact ng kaniyang pagkakahulog. Masakit din ang kaniyang likod nang tumama ito sa isang malaking bato nang siya’y nahulog kanina. She growls in pain but it doesn’t matter anymore. Mas nangingibabaw ang kaniyang hiya at pagtataka kung bakit napunta ang lalaking ito sa kaniyang mundo. All this time, she’s thinking of him that he didn’t make it. She was actually worried a few hours ago for him. Actually. A foolish thought.

Napapikit siya sa kaniyang iniisip at mabilis siyang lumayo na para bang mapapaso sa presensiya nito. 

Ivan Hunter. 

Ang lalaking nakatingin rin sa kaniya na naguguluhan din, kagaya niya. Pinagmasdan niya ang lalaking tumayo na rin sa kaniyang pagkakabagsak. He is still as gorgeous as ever. Still the man who can captivates any woman when he’s around, pero hindi na niya ito pinapahalata. He has an impact on her but she keeps on denying it. Pero hindi rin maiiwasan ang isang katotohanan. He’s a god and an immortal like him is born to be magnetic to women. He isn’t her friend. And she had a mission over him.

His eyes penetrate her soul. Parang may gustong sabihin pero pinipigilan lang. Parang siya, may gusto ring itanong pero ayaw niyang ibuka ang kaniyang bibig. This is getting tongue-tied. Kahit na ganun, hindi pa rin maitatago ni Diara ang kaunting saya na nakita niya si Ivan sa lugar na ito. She felt a little bit of home.

Ysures.

Saka lang niya napansin ang isang batang babae na kaagad na lumapit kay Ivan at tinanong pa kung okay ba siya. Paano nangyaring magkasama ang dalawang ito?

Mabilis siyang nakahuma sa sobrang pagkagulat. Mabilis niyang tiningnan si Ysures na punong-puno ng pananabik at galak. She hasn’t seen her for years. Gusto niya itong yakapin kagaya nang ginagawa nila noon pero iba na ngayon. She doubts if Ysures still knows her. Napapikit siya sa kaunting kirot ng kaniyang nararamdaman. She isn’t her princess anymore. She has changed a lot….a lot.

Hinding-hindi niya makakalimutan ang batang ‘to. She used to give her fresh daffodils and roses freshly pick from her garden. At sa mga oras na ito, nalungkot siyang bigla. Parang kailan lang nangyari ang lahat. Pero ang totoo, masyado nang matagal ang mga pangyayari. Ysures has grown up so fast. And she wasn't there.

Si Ivan at ang nakababatang kapatid ng matalik na kaibigan ni Brooke, si Ysures. Nakatingin din silang dalawa sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ang una niyang mararamdaman.

Nasa gitna si Diara at palipat-lipat ang kaniyang mga tingin na para bang hindi pa rin niya maisip kung paano nangyaring nagsama-sama ang lahat sa naiibang sitwasyon. Bakit dito pa sa lugar na ito? Bakit naisip ng tadhanang magkita ang kanilang landas sa isang lugar na itinuring na niyang kaniyang pangalawang tahanan?

"Prinsesa," tawag sa kaniya ng lalaking kasabay niyang nalaglag. Sabay-sabay silang nakatingin sa gawi nito.

Ang lalaking tumawag sa kaniyang pangalan kanina ay wala nang iba kundi ang taong hindi niya inaasahang makita sa mga oras na ito—si Kluner, ang kakambal na kapatid ni Lotus.

“Snow!” tawag na naman ni Kluner sa kaniya habang kapansin-pansin naman ang pag-amo ng mga mata nito, “Nagpakita ka rin, sa wakas,” pangiti pa nitong bati.

Ni hindi man lang nito iniinda ang sakit sa matinding pagkakabagsak. Wala pa ring pinagbago. Kung anuman ang naalala niya sa lalaking ito, ganun at ganun pa rin.  Kagaya noon, marangya pa rin ang kasuotan nito. Medyo naputikan lang dahil siguro sa putikang daan ng Forbidden Forest. At kahit na may kaunting punit pa ang dulo ng kapa nito, hindi pa rin nababawasan ang angkin nitong kakisigin.

Ngunit, napaatras pa rin si Diara. Imbes na matuwa, mas lalo lang sumimangot ang kaniyang mukha, kumunot ang kaniyang noo, at pinipilit na huwag mabulag sa mga nangyayari.

Nakatingin siya kay Kluner habang si Ivan at Ysures ay kapwa nakamasid naman sa kaniya. Pare-pareho lang ang kanilang mga reaksiyon. Naguguluhan na nabibigla. May halong tuwa pero kasabay naman ang pangamba na baka may kakaibang nangyayari na pala rito. She should not trust no one.

No one...in particular.

“Prinsesa!” sigaw ni Ysures, “Prinsesa!” Lumapit ito sa kaniya at niyakap na lang siya nang walang paalam. Halos mangiyak si Diara sa yakap na 'yon. Hindi pa pala siya nakakalimutan ni Ysures. Akala niya wala na siyang halaga sa batang ito kagaya ng iba. Mali. Mali ang inakala niya. Mas lalong naging mali nang maramdaman niya ang mainit na yakap nito. She missed her. She missed their memories together. Parang gusto niyang umiyak sa tuwa pero pinipigilan lang niya.

Habang yakap-yakap si Ysures, napansin naman ni Diara na napakamot sa ulo si Ivan. Hindi naman nito alam ang tunay niyang pangalan sa kaniyang tunay na anyo. Siya bilang si Snow White at hindi bilang si Diara.

“Prinsesa naman, e! Bakit ka nawala? Bakit ka umalis?” pahigpit pa nang pahigpit ang yakap ni Ysures sa kaniya. Masaya siyang makita ang isang batang itinuring na niyang sariling kapatid.

“Snow,” sambit ni Kluner habang naglalakad rin papalapit sa kaniya, “Snow,” muli pang tawag sa kaniyang pangalan. Parang kailan lang, natutuwa siya sa tuwing naririnig niyang binabanggit nito ang pangalan niya.

Napaluhok si Snow habang mas lalong lumalapit sa kaniyang puwesto si Kluner. Hindi pa rin siya makapaniwalang nandito at kinakausap siya ng taong minsan na niyang hinangaan.

Kluner Vladira..

She looked at him as if it was the first time. Pinahaba lang ang buhok niyang kulay asul at itinali pa ito sa kaniyang harapan. Unlike her, his tanned skin is quite appealing to look at. Kaunti lang sa kanilang lugar ang may morenong balat. Nakatingin lang din ito sa kaniya pero pakiramdam ni Diara ay umabot hanggang sa kaniyang kaluluwa ang tingin na ‘yon. His emerald eyes shines like a gem worth to gaze on.

“Snow,” banggit na naman nito, “Iuuwi na kita..”
Doon siya naalarma. Iuuwi. Hindi niya alam kung saan siya iuuwi o may uuwian pa ba si Diara.
“Sumama ka na sa ‘kin,” aya nito na mas lalong nagpasimangot sa mukha rin ng bata. Halatang hindi nito nagustuhan ang kanyang nadinig.

Kumalas sa pagkakayakap si Ysures at humarap kay Kluner. Parang batang aagawan ng kendi, nagkasalubong na ang mga kilay nito habang nakataas naman sa magkabilang gilid ang mga kamay para itago siya.

“Hindi mo makukuha ang Prinsesa, Prinsipe Kluner! Patawad, Kamahalan. Ang Prinsesa Snow White ay hinding-hindi uuwi sa kaniyang palasyo!”

Kamuntik na niyang makalimutan ang napakalaking impormasyon na iyon. Isang prinsipe nga pala si Kluner. Katulad niya. Kapareho sa maraming bagay pero marami ring pagkakaiba.

“Halika na, Snow.” Aya pa nito habang nakalahad pa ang mga palad...kagaya noon. Kaso, wala ng noon. Wala ng ganun.

Nasa harapan si Ysures. Nakalahad ang kamay ni Kluner. At si Ivan, tahimik lang na nagmamasid sa mga nangyayari. Parang ayaw mangialam. Parang gusto na rin niyang madismaya.

Kung papansin naman niya si Ivan, baka mahuli niyang siya si Diara. At hindi iyon puwede.

Ayaw niya ng maraming tanong. Ayaw niya ng komplikasyon. At mas lalong ayaw niyang may koneksiyon na magaganap sa pagitan nilang dalawa. After all, Ivan is nothing but her prey.

Or is he?

ADK V: Dark Kismet (✔️)Where stories live. Discover now