Chapter 31: Finding Worth

1.2K 56 37
                                    

A/N: Hello, guys! Una sa kahat,maraming salamat sa pagsubaybay. Grabe! Magtatapos na ang Book 5!

Walang bibitiw sa kuwentong ito. Marami pang twists ang nag-aabang. At marami pang sekreto ang mabubunyag para sa huling kabanata. Sana ay magustuhan niyo ang chapter na 'to. You can leave a comment or just vote if you think it deserves. Thank you for reading ADK series. :)

 _ Kyrian

****

Chapter 31: Finding Worth

Hindi na halos makakagalaw pa si Diara sa natamo nitong malaking sugat. Sa sobrang laki nito'y hindi na niya alam kung kaya pa ba niyang lumaban. Everything seems so hopeless. She was so damn hopeless, na kahit anong laban pa ang kaniyang gagawin sa buhay ay matatalo at matatalo pa rin siya ng tadhana. She fights as if she is destined to lose. Ganito siguro ang buhay, pilit na hinahanapan ka ng butas kapag alam nitong gusto pang lumaban ng isang tao. But for Diara, she loses everything and every single soul that she wants to fight and protect for.

Wala siyang magawa kundi isigaw nang isigaw ang salitang 'Papa'. Siguro nga, para sa iba, ginawa lang siyang kasangkapan ng kaniyang ama sa mundong 'to. But he has made her a daughter. Kahit na strikto iyon at hindi gano'n ka-ideal bilang ama, ay pinalaki pa rin siya nang maayos. Hindi siya iniwan sa ere. And her father is killed by Eze. Siguro...siguro kung hindi sila ang naging pamilya niya sa kabilang mundo ay hindi sila mapapaslang nang ganito. She feels so guilty, na para bang ang lahat ng ito'y pwedeng ibunton sa kaniya ang sisi. Nadudurog siya hindi dahil walang taong tumutulong sa kaniya, kundi dahil buhay siya. Iyon ay ang kaniyang malaking kasalanan. Buhay siya. At maraming namamatay dahil buhay siya.

Halu-halo na ang mga nararamdaman ni Diara. Her parents are now dead. At ang kaniyang isa pang ama ay gusto rin siyang patayin. Hindi niya alam kung gaano ba siya ka-malas o may nagawa ba siyang karumal-dumal para bigyan ng ganitong buhay. Mas madali kasing tanggapin ang isang kaparusahan kapag alam ng tao kung saan siya nagkamali. But for her, if loving right and being a right person, are what make her wrong, then how will she ever fit in?

"Buhay pa ba si Eze?" tanong ni Bliss kay Kluner, na siya namang nagpabalik ng kaisipan ni Diara. Hindi pa rin siya ligtas, at masyadong kritikal din ang kaniyang kalagayan. Anumang oras ay mapapatay din siya kagaya ng iba.

Bumagsak si Eze na siya naman nilang ikinabigla ng lahat. Eze is one of the strongest ones in the group, at hindi sila makapaniwalang pinabagsak lang sila ng isang matandang sugatan.

Naririnig pa ni Diara ang mga yapak ni Kluner papunta sa gawi ni Eze. "Matindi rin pala ang lalaking 'yan. Kung nagkataon na hindi 'yon napuruhan sa umpisa pa lang, kanina pa sana bumulagta 'tong si Eze. At kanina pa tayo napahamak."

Nagdilim ang mukha ni Bliss, pero blanko lamang ang mukha ni Diara. Tumigil na siya sa kakasigaw, at pakiramdam niya ay mawawalan na siya ng emosyon. "Nawalan tayo ng magaling na imbentor. Mahirap palitan ang lalaking 'yon."

"Makakahanap pa tayo ng mas magaling pa at papalit sa puwesto ni Eze. Pero, paano ang babaeng 'yan?" tanong ni Kluner kay Bliss. Parang mas lalong sumasakit ang puso ni Diara sa tuwing nakikita niya ang dalawang ito. They were her protectors. And now they want her killed. Sadyang ganito na ba kasaklap ang buhay niya?

"Kapag makuha na natin ang kaniyang kapagyarihan sa kaniyang katawan, saka na natin siya papatayin. Walang silbi ang pagkamatay ni Eze kung hindi natin pakikinabangan ang prinsesa. Tuloy pa rin ang plano," turan ni Bliss.

Siguro, kung hindi siya nagsalita kay Bliss patungkol sa kaniyang tinatagong kapangyarihan ay hindi magkakaganito ang lahat. She has trusted a snake, and she's suffering from the venom of it.

ADK V: Dark Kismet (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon