Chapter 13: Yuteria

2.1K 66 7
                                    

Chapter 13: Yuteria

Brooke.

As a prince, no one shall see his pain. No one shall feel his own sufferings. No one shall hear his agony. Hindi alam ni Brooke kung paano niya nagagawang maging matatag pa rin pagkatapos ng lahat. Isa siyang prinsipe na para bang ipinagkaitan ng tadhana. Same as his name, he is broke, who has nothing to offer, nothing to be proud of. Isang prinsipe sa pangalan at dugo, pero, hanggang doon na lamang 'yon. Wala na siyang mukhang maihaharap pa sa kanyang pamilya. Wala na rin siyang matatawag na happy-ending na love story, na karaniwang nangyayari sa isang fairytale. There's no such thing like that in reality. It sucks. It hurts. It breaks him into a million pieces. His princess doesn't love her the way that he loves him. He is the prince being unloved by his own kingdom. Such cruelty of life makes him a pity prince almost to a beggar of love.

Nagpapakatanga. Naghihintay sa wala. Nagmamahal kahit masakit. Gan'yan siya ka-inosenti sa mundo. Gan'yan siya ka-walang halaga sa iba. Masakit aminin ang katotohanan na ang isang prinsipeng nahahalintulad sa nababasa sa mga istorya ay pawang mga kathang-isip lamang sa reyalidad. He is both physically and mentally in pain. He suffers a lot and regrets some things that won't be back from the way that it is. Pero, kahit na ganito kasaklap ang kanyang naging kapalaran, hindi pa rin niya ito ipinagsisihan. Kahit masakit, kahit paulit-ulit siyang nalulunod sa sarili niyang nararamdaman, hindi pa rin ito ang magiging hadlang upang tuluyan na siyang sumuko. Susukuan ang pangarap. Susukuan ang pag-asa. Susukuan ang pag-ibig na inakala niyang kanya.

He loves her. He still loves the woman who can't love him back, the way he wants to.

"Matagal ka ring nagpakalayo-layo, mahal na Prinsipe."

Kumukurap pa ang mga mata ni Brooke habang pinagmamasdan ang babae sa kanyang harapan. May malaking peklat ito sa kanyang kaliwang pisngi pababa sa kanyang leeg. Medyo kulot ang mga buhok nitong inilulugay lang at walang pakialam na hinahawi pa ng hangin. Brooke knows this woman, a long time. Halos panaginip na lamang ang isang katotohanan at wala siyang magawa kundi ang panoorin na kinakain ng ilusyon ang kanilang kinikilalang mundo.

He faces her with courage, something that he doesn't have, "Alam ko naman na hindi na ako kailangan pa sa mundong 'to. At isa pa, wala namang tangang handang magpakatanga sa isang katulad ko."

Diniinan pa niya talaga ang kanyang huling sinabi na para bang pinaghahalo na ang sakit at pagmamanhid ng kanyang puso. Halos hindi na niya nararamdaman ang mga kadena sa kanyang mga kamay. Ni hindi na niya alam kung ilang oras na ba siyang nakaluhod sa isang semetong kay lamig rin sa pakiramdam.

"Wala ka pa ring pinagbago," patawa pa nitong sagot habang nakaupo sa isang maliit ng upuan na hindi naman kalayuan sa kanya. Wala nga siyang ipinagbago, unlike her. She has changed a lot from the last time that he sees her. Naka-de-otso pa ang mga hita nito habang nakapangalumbaba pa sa kanyang trono.

He's kneeling to her, like the first time that they saw each other, once upon a dream. Pakiramdam niya, panaginip na lamang ang anumang pagitan nilang dalawa. They end in completely opposite way, but at the same time drowning in nothingness. Tuluyan nang naglaho ang mga matatamis na ngiti na palagi niyang nasisilayan no'n. Wala na rin ang mga halakhak nito na palaging nagpupuno sa katahimikan ng bawat sulok ng palasyo.

"Hindi mo ba ako babatiin, Brooke?" seryoso nitong pagkakasabi, "Hindi mo ba ako babatiin sa narating ko ngayon?"

He closes her eyes, out of pain...for her. Hindi niya alam kung bakit binitbit siya ni Eze sa lugar na 'to. Maraming alaala ang paunti-unting pumapasok sa kanyang isipan. Kasama na ang mga alaala nilang dalawa. Siya at ang babaeng palagi niyang pinuprotektahan. Siya at ang bagong reyna ng kanilang palasyo.

ADK V: Dark Kismet (✔️)Where stories live. Discover now