Chapter 17: The Two Bodies

1.5K 61 29
                                    

Is this really true?

Nasa harapan niya ang babaeng ayaw niyang makita. She dresses elegantly, unlike before. Ibang-ibang na ang babaeng ito sa huli nilang pagkitkita. Diara barely recognizes her. At halos nakatuon ang kaniyang buong atensiyon sa kaniyang na korona na nakapatong sa kaniyang ulo. Kailan pa ito naging reyna?

Teara.

She can't even utter her name out of shock.  At ang koronong iyon, tandang-tanda iyon ni Diara. Hindi na niya makakalimutan ang bawat hiyas na nakalagay dun. Nasa alaala pa ang simbolo ng palasyo ng Yuteria. Isa na siyang reyna sa palasyo nila Brooke. Paano nangyari ang lahat ng ito?

Ang huli nilang pagkikita, nakatuon ang espada nito sa kaniyang leeg. At ngayon, balak na naman nitong patayin siya. Pero, bakit?

She treated her nicely before. She even treated her as her own sister. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit napunta ito sa maling direksiyon, kung bakit humantong ang lahat sa ganito?

Gusto ni Diara na huwag mawalan ng pokus. Nakatuon pa rin ang kaniyang pana kay Bliss na hindi na gumagalaw. Seryoso siya sa kaniyang pagpapapana. Katulad niya, nakikiramdam din si Bliss. Hindi pwedeng hindi siya magpokus sa kaniyang target. Kaunting sablay lang, at siya ang malalagot.

"Ibaba mo na niyang sandata, Prinsesa." warning ni Teara, "Alam mo naman siguro ang nangyayari 'di ba? Hindi ka bobo. Kaya, kung ako sa 'yo, huwag ka nang magtapang-tapangan diyan."

Napakunot ang kaniyang noo. Hindi pa rin niya sinunod ang sinabi nito sa kaniya at patuloy pa ring nakatingin sa mga mata ni Bliss. Maraming katanungan ang bumubuo sa kaniyang utak. Marami siyang gustong itanong kay Bliss. But then, words won't come out in her mouth.

As well as tears...

"Tatlong bilang lang, Snow, " warning na naman nito, "Magbibilang lang ako ng tatlo. Oras na magbingi-bingihan ka diyan, Kamahalan, mamamatay ang isa mo pang katawan."

Ang orihinal niyang katawan na nakahimlay sa ilalim ng isang kabaong na gawa sa salamin. Tama, hindi siya isang bobo. Kaya lumingon siya panandalian kay Teara at ngumiti. Honestly, she is just teasing her.

"Sige, Reyna Teara," pagsang-ayon niya habang idiniin pa ni Diara ang pagiging reyna nito, "Patayin mo na ang isa kong katawan. Wala na akong pakialam pa. Kung tutuusin, hindi ko na iyan kailangan pa. Mayroon na akong bago, Mahal na Reyna. Kaya libreng-libre niyo na 'yang paslangin." Napangisi siya pagkatapos niya iyong sambitin at saka napalingon kay Bliss.

"Huwag kang hibang, Teara." pagtutol ni Bliss habang hindi pa rin gumagalaw. Kailangan natin ang katawan niyang iyan. Huwag kang magpadalos-dalos ng desisyon."

"Tigil-tigilan mo ako, Bliss! Hindi na mahalaga sa akin ang misyon. Mas mahalaga sa akin ang patayin ang babaeng 'to."

At doon tumama ang kaniyang hinala. Teara is one of them. She is one of the seven deadly assasins.

Matagal na ba? Gaano na ba katagal siyang niloloko ng babaeng ito?
 
One more chance? Perhaps, there will be no more of that. Kung titingnan ni Diara nang mabuti, wala nang bakas ng pagkakaibigan sa kanilang dalawa – kahit sino sa kanilang dalawa.

They all betrayed her at the time she needed them the most. Kung sino pa ang pinagkakatiwalaan niya, sila pa ang nagtulong-tulong upang paslangin siya. Her bestfriend, ang her so-called sister, and the rest of the people to whom she trusted before…

“Huwag mo nang ituloy ang binabalak mo, Prinsesa.” Ngumingiti pa si Teara naman sinusulyapan pa ang kabaong na nasa kaniyang tagiliran.

“Teara!” pigil ni Bliss, “Ikaw ang huwag magtuloy sa binabalak mo.”

ADK V: Dark Kismet (✔️)Where stories live. Discover now