Chapter 16: Snow White's Body

1.6K 60 29
                                    

Part Two

Habang nagtatalo silang lahat kung kanino sasama si Diara, wala naman dun ang isipan ni Diara.  Kundi sa kaniyang misyon kung bakit siya nandito.

"Tigilan niyo na ako!" pabulyaw niyang sabi. "Hindi na ako bata at mas lalong hindi ako lampa para gawin niyo iyan sa 'kin!"

Nagulat silang lahat sa kaniyang inasta. Wala na rin siyang pakialam dun.

"Prinsesa," pag-aalalang tanong ni Ysures. "Bakit po tumataas ang boses mo? Hindi ka naman ganiyan noon."

"Huwag nang matigas ang ulo, Snow." sabat naman ni Kluner, "Hindi pwede ang sinasabi mo. Alam mong hindi ligtas ang buong Yuteria sa 'yo at pati na rin ang iyong kaharian. Kailangan mo ng kasama - "

"At bakit ka nga ba nandito, Kluner? Bakit ang isang katulad mo ay nandito sa lugar na 'to?"

"Hinahanap kita," pangiti niyang sabi.

Hindi siya kumbinsido. Tiningnan niya ito ng masama. She doubts his words. At kung paano siya makatingin, pakiramdam ni Diara ay hindi ito nagsasabi ng buong katotohanan.

Alam kaya nito kung ano ang buong lugar na ito?

Nag-iwas naman siya ng tingin. Napatingin siya kay Ivan na seryoso rin ang pagkakatitig sa kaniya. Well, not exactly in her eyes, but in her chest. Her pendant.

Umangat ang mga mata nito at nag-angat ng tingin. Nagtama ang kanilang mga mata.

"It looks familiar," halos pabulong lang nitong sabi pero wala na siyang sinayang pa na pagkakataon. She hides it under her dress. Mabuti na lang at nananahimik ang madaldal niyang salamin.

Mas lalo tuloy siyang nagmukhang kahina-hinala. Nagtama na naman ang kanilang mga mata. This time, his dark eyes are intensely looking at her. Parang may gustong sabihin ang mga titig nito, pero ayaw lamang niyang basahin.

"Prinsesa," tawag na naman ni Kluner, "Iwan na natin ang lugar na ito at sumama ka na sa akin."

"Prinsipe Kluner," tawag ni Ysures, halatang dismayado, "Saan mo dadalhin ang Mahal na Prinsesa?"

Bumuntong-hininga si Kluner, "Hindi na dapat malaman ng isang bata kung ano ang tumatakbo sa isipan ko."

Sumimangot si Ysures. Mas lalo pa niyang binabakuran si Diara laban sa prinsipe.

"You stay with me," pangiting banat ni Ivan, "You can understand English, right? You stay with me."

Halos mapanganga si Diara sa sobrang pagkagulat. Ivan is talking to her in English. Mukhang may alam na ang isang ito.

Mayro'n na nga ba?

Hindi pa sila tapos magtalo-talo, isang malakas na pagsabog kanilang narinig mula sa itaas. At bago pa man sila nakahuma sa kung ano ang paparating, nabutas ang lupa sa itaas. Naglaglagan ang pinaghalong yelo at papunta sa kanila. Nasundan pa ito ng malakas na pagkayanig sa buong lugar. Everything happens too fast.

Tatlong lundag pabaliktad, nakita kaagad ni Kluner ang isang malaking bato na mahuhulog sana sa kaniyang ulo.

Kaagad namang niyakap ni Diara si Ysures at kapwa sila gumulong-gulong sa hindi kalayuan nang pamagtantong pati ang kaninang kinatatayuan ay nagkabutas na rin.

Lumilindol. Sa sobrang pagyanig ng lupa, halos nahihirapan silang tumayo. Bumuka pa lalo ang lupa at paunti-unting kinakain silang lahat.

Unang nahulog si Ysures. At nakakapit pa si Kluner sa bangin. Walang magawa si Diara kundi ang tumalon at tulungan si Ysures sa ere. Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi niya alam kung sino ang lapastangang sumisira sa kaniyang sagradonh libingan.

ADK V: Dark Kismet (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon