Chapter 19: Old Friend, New Enemy

1.4K 62 9
                                    


Chapter 19: Old Friend, New Enemy

If only her eyes are just betraying her, but they aren’t. Masakit ang kaniyang tagiliran sa impact nang pagkakatapon niya sa pader. Pakiramdam niya, parang may ribs pa yata siyang nabali sa sobrang lakas ng pagkakahagis nito sa kaniya. Halos hindi siya makatayo kaagad nang tuluyang bumagsak ang kaniyang katawan sa sahig. Pero pinilit niya. Pinilit niyang indahin na lang ang sakit. Pinilit niyang titigan ng mabuti ang pagbabagong-anyo ng kaniyang matalik na kaibigan.

“J-Jayven?” pautal niyang tanong. Maraming mga katanungan ang namumuo sa kaniyang utak pero pangalan na lang ni Jayven ang kaniyang nababanggit. This isn’t him. Her heart denies it. At kahit anong pilit niyang pagpikit ng kaniyang mga mata, hindi pa rin nabubura ang tila ba’y bangungot sa kaniyang harapan.

Pinipilit ni Diara tumayo habang nakatingin sa mala-demonyong anyo ng kaniyang kaibigan.

“Kay sarap talagang pakinggan ang pangalan na ‘yan,” pangisi pa nitong tugon. His sharp eyes make her realize that this creature in front of her is no longer her bestfriend. “Pero, hindi ko lang talaga lubos maisip na hindi mo nararamdaman ang presensiya ko. At kahit na sabihin pa nating isa kang baguhan na god hunter, you should have felt my demon presence.”

Gustong manlumo ni Diara sa mga pinagsasabi nito. Another love one is betraying her. At sa lahat pa ng taong pwedeng maglaro ng kaniyang damdamin, bakit si Jayven pa?

“Are you going to cry, Daira? Hindi ako naparito para alamin pa kung ano ang ginagawa mo sa bahay ng isang diyos. Naparito ako para iuwi ka na sa ‘yong ama. This game that you’re playing is over. I’ll get you home, bago pa man ako hindi makapagtimpi at mapapatay kita ng tuluyan. I still owe your father.”

What is he talking about?

Parang mas lalong hindi siya makapaniwala. Kailan pa sila nagkaroon ng ugnayan ng kaniyang ama? Kailan pa ba sila magkakilala? Kailan pa siya nito niloko?

Kung demonyo siya, bakit kaya niyang manatili pa sa araw? Bakit kaya niyang magbilad sa araw na para bang isang ordinaryong nilalang lang?

“Go to hell!” sigaw niya habang mabilis na binuo ang kaniyang palaso at pana sa kaniyang mga kamay. At walang pasabing pinana sa puso ni Jayven. Sa kasamaang palad, bigla na lang nawala si Jayven sa kaniyang harapan at ang pana na kaniyang itinarak ay tumusok lang sa pintuang bigla na lang din bumukas. Mabuti na lang at nakaiwas si Ivan, kundi, siya ang tatamaan.

Kaya din nitong maglaho na parang bula. Para rin itong may kakayahang mag-teleport kagaya ni Ivan.

“Move, Diara!” utos ni Ivan sa kaniya. Before she realizes what he’s talking about, isa-isang bumabagsak ang mga salamin sa bintana, ‘yong salamin na gawa sa mesa, ‘yong mga salamin sa galing pa yata sa banyo; halos lahat ng iyon ay nagkadurog-durog nang sabay-sabay. Palakas nang palakas ang ingay na hatid ng mga basak na salamin, umiikot-ikot sa ere, halatang may isang nilalang na nagkokontrol sa mga ito.

Napaatras si Diara sa may tagiliran nang bigla na lang bumagsak ang kung ano sa galing sa kisema. Gawa din pala sa salamin ang ilang bahai ng kisame. Napayuko siya nang wala sa oras. At sa pagmulat niya ng kaniyang mga mata. Wala na siya roon sa kitatayuan niya. Warm hands are encircling on her body. Kay Ivan iyon. Walang imik rin si Ivan na ilantad ang kapangyarihan nito sa kaniyang harapan.

Nakatayo silang dalawa sa may bukana ng pintuan. Imbes na magpasalamat pa siya, iba naman ang nasambit ni Diara, “Nasa kama pa si Snow White. Kailangan natin siyang kunin doon.”

But it’s too late…

 Pinapalibutan na ng mga salaming basag ang katawan niyang nakahimlay. Umiikot ang iba sa ere habang nakagapang pa, ang iba naman ay parang may mga sariling buhay na nakagapang din sa sahig at sa mismong higaan. Halos hindi na makahinga si Diara sa sobrang kaba. Her body is in danger at hindi niya alam kung paano ito tutulungan.

ADK V: Dark Kismet (✔️)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum