Chapter 11: The Messenger

1.7K 65 19
                                    

Chapter 11

Nagbago ng nga ang lahat, kasama na ang kanyang buong pagkatao.

Hindi mawari sa isipan ni Diara ang dahilan kung bakit siya nakarating sa dati niyang mundo. At ang lalaking ito, na nasa kanyang harapan; kahit anong pilit niyang alalahanin, kahit anong pilit niyang mag-isip nang todo, wala pa ring lumabas sa utak niya. Hindi naman sa matagal na ang nakalipas; madali lang siyang makaalala ng mga bagay-bagay. At isa pa, kaunti lang ang nakasalamuha niya noon buhat nang ikinulong siya ng kanyang ama sa sarili nilang palasyo.

Buhat nang tumuntong sa kanilang lupain ang pangalawang asawa ng kanyang ama – si Grimhilde.

The fairest of them all…”

Ayan na naman siya. Paulit-ulit na binabanggit ng lalaking ito ang katagang ‘yan na para bang hindi man lang nagsasawa. Malaking kaisipan kung sino o ano ba talaga ang ugnayan nito sa isa’t-isa.

”Huwag kang lumapit sa ‘kin!” pasigaw niyang sabi habang pinipilit na takpan ang sarili niyang katawan sa hiya, “Lumayas ka nga!”

Pero hindi pa rin ito natinag sa kinatayuan. Kitang-kita pa rin ni Diara ang anyo ng lalaking kanina pa nakangiti. Kung tutuusin, hindi naman siya mukhang nakakatakot. She just assumed that he was. Maybe, he was. Hindi niya masabi kung ano ang isang ‘to, eksakto, kung sa salamin lang niya nakikita.

“Nakakatuwang makitang kanina pa ganyan ang hitsura mo, Prinsesa. P’wede mo namang gamitin ang naiibang kakayahan mo para magkaroon ka na kaagad ng kasuotan,” lumapad ang mga ngiti nito, “Kagaya ng kakayahan mong pasunurin ang mga hayop na naayon sa kagustuhan mo. Bukod-tanging kakayahan, ikaw pa lang ang alam kung may taglay na kapangyarihan na ganyan sa buong palasyo.”

Nanlaki ang mga mata ni Diara sa mga ipinagsasabi nito. Paano niya alam ang mga bagay na siya lang ang nakakaalam. At, paano niya alam ang mga bagay na wala naman siyang kaalam-alam? Kailangan pa siya nagkaroon ng kakayahang magkaroon ng damit, gamit lang ang sariling kaisipan?

Hindi kapani-paniwala.

“Subukan mo kasi, Prinsesa.”

Heto na naman siya. Namimilit sa isang bagay na hindi pa naman niya nagawa, kahit minsan, hindi niya alam kung nagsasabi ba ‘to ng totoo o pinaglaruan lang nito ang utak at imahinasyon? Whatever he was, it didn’t change the fact that she shouldn’t trust anyone.

But even so, there was no harm in trying.

She slowly closed her eyes, like what she’d done every time she needed to concentrate. Tatlong segundo lang ang kailangan para makapag-focus siya sa kanyang ginagawa. Ramdam niya ang kakaibang init sa nanggaling mismo sa pinakaloob ng kanyang katawan. Mula sa kanyang paa, umakyat ang init papunta sa kanyang puso, at pabalik sa kanyang puso. Pakiramdam niya, para siyang hindi nakakulong; malaya, at malayo sa isang maliit na espasyong ito.

Naramdaman na niya ito dati; hindi lang alam ni Diara kung saan o kailan.

She continued closing her eyes, as she pressed her hand near her chest. Ramdam niya ang normal na pagpintig ng kanyang puso. Parang mas madaling huminga habang nararamdaman niya ang paunti-unting pag-angat ng kanyang katawan sa  mismong sahig ng nasabing sasakyan.                                                                                                                          

Sa pagmulat ng kanyang mga mata, nakahiga na siya sa hangin, nakalutang, at nakita na niya ang kanyang sarili sa salamin na may nakasuot na damit. She was no longer wearing her school uniform. Isang itim na palda na hindi lalampas sa kanyang tuhod, may itim at pulang laso na sa nakapulupot sa kanyang beywang, isang itim na sleeveless na may outline na puti at pula ang manggas nito, isa pang laso na kulay itim habang nakapusod ang kanyang itim ng buhok, dahan-dahang tumapak ang kanyang boots sa sahig.

ADK V: Dark Kismet (✔️)Where stories live. Discover now