Chapter 6: Enemy's Friendship

1.8K 73 23
                                    

Guys, short UD lamang ito. Babawi talaga ako next year. May plot na ito. Typing na lang ang kulang. Sadyang busy lang ang inyong lingkod sa reyalidad.

******

Chapter 6: Enemy’s Friendship

        Hindi makapaniwala si Brooke na bumaba ang kanyang level sa pakikiusap sa isang tao. Ang isang prinsipe ay hindi dapat nakikipagsalamuha nang ganito sa isang hamak na mortal lamang. Dapat ay nirerespeto siya at binibigyan ng galang kagaya nang ginagawa ng kanyang mga nasasakupan sa kanya. Malapit na siyang maging hari. Malapit nang ibigay ng kanyang ama ang korona na siya naman nitong ikinaaasam.

        If he had that crown, maybe Snow White would be his for good.

        Hindi naman talaga iyon sa isang simpleng korona lang sa ulo. Hindi naman siya ganoon kababaw. He had this feeling of something that even he couldn’t understand. He wanted something as much as he loved her. Ganoon ba talaga ng pakiramdam na mayroon na siya, na nasa kanya na ang lahat, pero kulang pa rin?

        “Naalala kita,” naka-ismid si Ivan na nakatingin sa kanya, pero hindi naman niya alam kung bakit. Hindi ba dapat, siya ang naka-ismid ngayon at hindi and Ivan na ‘to?

        Tiningnan niya si Ivan na may halong pagdududa at pagkainteres, “Ngayon pa lang kita kinakausap.”

        “Pero hindi ibig sabinin no’n ay ngayon lang kita nakita,” mabilis na tugon sa kanya ni Ivan. Hindi ‘yon nagustuhan ni Brooke. Parang pakiramdam niya ay minamaliit siya o ano.

        “Wala akong pakialam kung saan mo ako nakita o ano ang pagkakaalala mo sa ‘kin.” Walang kagatul-gatol niyang sabi. Mabilis na kumalat ang tensiyon sa kanilang dalawa. Brooke could feel his uneasiness towards him. Napansin niyang tuluyan nang nawala ang ngiti sa mga labi nito nang dahil lang din sa pakikipag-usap nilang dalawa.

        “I will just leave you here then,” Hindi nagustuhan ni Brooke ang boses ni Ivan na para bang wala itong pakialam sa kanyang presensiya, “Nice talking to you though.”

        Ano ba ang nakita ni Diara sa kanya para kausapin niya ang lalaking ito? Wala man lang itong sense of style and elegance. At sa tingin pa ni Brooke, wala rin itong sense of responsibility.

        He was just a plain teenager na hindi dapat pag-aaksayahan pa ng oras.

        But then, hindi kayang i-by pass lang ni Brooke ang kakaibang aura ng lalaking ito. There was something in him that he couldn’t fathom of. His golden hair, his dark crystal eyes, lahat ng iyon ay parang kakaiba. Gustong malaman ni Brooke ang tinatago ng isang ‘to. There had to be something to him that made Diara seemed to get attach with this guy.

        If Ivan would be his enemy, ngayon pa lang ay dapat alam na niya ang kaniyang mga kahinaan. Kailangang kaibiganin para sa kanyang pansariling kapakanan.

        Just what he’d done to Nathaniel…

        Nagsimulang maglakas si Ivan na tahimik lang niyang sinusundan. Hula niya, pupuntahan niya ang next class nila ni Diara. Kapansin-pansin ang mga mga matang nakatingin sa gawi nilang dalawa, lalong-lalo na kay Ivan. Totoo ngang magnetic ang isang ‘to. He couldn’t believe this to happen. Para siyang na-out of place sa isang lugar na dati ay kanyang teritoryo.

        Nakarating na sila sa may hallway nang biglang huminto si Ivan sa paglalakad at kaagad na lumingon sa kanya na halos magkasalubong na ang kilay. Hindi pa rin nawawala ang magiging moody nito na parang bata, pero hindi naniniwala si Brooke na ‘yon lang ‘yon.

        “Are you following me?”

        Napangiwi si Brooke sa direktang tanong ni Ivan, “Dude, you’re not a hot chick para sundan kita,” he lied.  

        Ang akala niya ay ipagkibit-balikat na lamang ito ni Ivan pero mas lalong naging seryoso ang mukha nito na nakatining sa kanya, “So you’re following Diara just because she’s a hot chick for you?”

        Natigilan siya sa realisasyon na may kakaiba nga sa lalaking ‘to at kay Diara.

                “Mukha bang hot chick si Diara?”

        Napansin niyang mas lalong nairita si Ivan sa kanyang sinagot. Ngayon, mas lumakas ang kanyang kutob na may kakaiba nga sa kanilang dalawa.

        “Mukhang nagkamali ako.”

        Ivan gave him a mocking smile, na mas lalong nagpairita kay Brooke nang husto. Parang kumukulo na ang kanyang dugo para sa lalaking ito pero nananatili pa rin siyang kalmado at ganoon pa rin ang kanyang facial expression.

        Kapag sinanay sa batang kaisipan ang maging elegante, tamang pagkontrol sa sarili, at kung ano ang dapat na makita ng mga tao na ugali at asta, hindi malayong napepeke na ng sariling katawan ang sariling nararamdaman.

        Ngumiti si Brooke na para bang hindi siya apektado sa sinabi nito, “Paanong nagkamali ka?”

        Napansin niyang nagbuntong-hininga si Ivan bago ngumiti, “Akala ko ay mas pa siya sa inaakala kong pagpapahalaga mo sa kanya. Now I know…”

        K’unti na lang at lalampas na si Brooke sa kanyang limitasyon.

        Kaunti na lang sana nang biglang may yumakap sa kanya mula sa likuran.

        There you are! Kanina ka pa namin hinahanap eh!”

        Isang mahigpit na yakap muna ang kanyang naramdaman sa kanyang likuran. He could feel her sweet giggles, bago siya nito binitiwan at hinalikan sa pisngi..

        Claire…

ADK V: Dark Kismet (✔️)On viuen les histories. Descobreix ara