Chapter 5: The Never After

2K 80 56
                                    

A/N:  Short UD again :)

*********

Chapter 5: The Never After

Part Two

Paano ang isang prinsesa ng fairytale ay naging isang tagapaslang ng mga diyos?

Mahabang kwento.

Basta ang alam lang ni Diara, ang buhay niya ay parang isang napakahirap na palaisipan na tanging siya ay hindi din maintindihan. Why did she still exist? At sa dinami-daming pwedeng maging bagong pamilya, bakit pa sa isang pamilyang may malaking galit pa sa mga diyos?

What was her purpose? O may purpose pa ba ang buhay niya?

There were some words that even she couldn’t even answer.  Her world was getting emptier and smaller. Sana isa na lamang siyang ordinaryong babae na ang pinuproblema lang ay ang mga school projects, exams, at quizzes. ‘Yong tipong estudyante na pwedeng mainlove at mangarap ng isang happily-ever-after love story.  ‘Yong pwedeng mabulag sa isang true love’s kiss at sana maging isang magical ang lahat kahit isang araw lang.

How could she ever think like that when she already knew the bitter truth?

“Haist! Kailangan ba talaga kitang sundan palagi?” Itinulak siya ng yumakap sa kanya pagkatapos siya nitong isubsob sa dibdib at ikulong na parang bata, “Ano na naman ngayon? Bakit ka na naman umiiyak?” Sermon sa kanya ng kuya niyang nabadtrip.

Parang nawalan ng gana tuloy si Diara at walang pakialam na hinampas ang kuya niya sa braso, “Wala ka talagang kwenta, Kuya!”

Kahit kaunting sensitibo lang naman ang kailangan niya. Ang kaso, walang ganun sa kuya niya. He was a bit self-centered and naïve. ‘Yon din ang mga dahilan kung bakit madalas silang nagkakabanggan na magkapatid.

Sinusundan pa rin siya ng kuya niya habang siya naman ay mabilis na naglalakad sa may hallway. Ano na naman kaya ang kailangan n’un sa kanya? Impossibleng wala. Hindi ‘yon maghihintay sa labas ng Lady’s Room sa wala.

“Saan ka ba pupunta? I need to talk to you!” sigaw ng Kuya Nath niya pero wala na siyang pakialam. “Huminto ka, Diara!”

In his dreams!

Walang lingon-lingon, direkta lang ang paningin sa susunod na kanto, papuntang canteen. Sa sobrang bilis, nabangga niya ang isang babaeng paliko din ng kanto sa kabila. Nagkalaglagan ang kanyang mga libro habang ang babaeng nakabangga niya ay ‘yon pa ang nagsosorry sa kanya. Tinutulungan na din siya nitong kunin ang iba pa niyang mga gamit.

“Pasensiya na. Hindi ako nakatingin. Nagmamadali kasi ako eh—“ ulit na naman nito. Ano ba siya? Sirang plaka?

Tiningnan lang siya ni Diara nang walang bahid na emosyon. Kamuntik pang mabasag ang kanyang eyeglasses sa banggaan, pero pinalampas lang niya ‘to. She couldn’t help it. Her voice was too gentle to make any bad comments.

“C-Claire?” tawag ng kuya niya sa pangalan nito.

Ngumiti sa kanya si Claire habang tinanggal naman ang headset nito sa kanyang tainga na kanina pa yata nakalagay.

Tinignan na naman niya si Claire nang maigi. Was this the Claire that Ivan was talking about? She was not that stunning at may aura din ito na pagkaboyish, pero may mga mata siyang nakakapukaw ng attention at boses na mala-anghel din. Kung titingnan nang maigi, parang hindi tugma.

She was wearing a black cap and same with her, she had eye glasses too.

“Hi there, Nath!” bati nito na para bang nakalimutan yatang nabunggo siya.  If she was not mistaken, she was just one of his fans.

ADK V: Dark Kismet (✔️)Where stories live. Discover now