Chapter 21: If Only

1.3K 55 2
                                    

Part Two
 
“Are you ready?” tanong ni Ivan sa kaniya habang pabalik na silang dalawa sa bahay. His hands are holding hers. And for the first time, hindi naging ganun ka-awkward ang pakiramdam na may humahawak sa kaniyang kamay. Sa totoo lang, mas gumagaan ang kaniyang loob habang nasa kaniyang tabi si Ivan. It feels so weird in a way that she hasn’t even thought of her, being with a friend.  She feels secure, something that Jayven never make her feel.

“Namumutla ka na, Diara.” pansin na naman nito sa kaniya.
She tries to give him a smile, but her heart is beating too fast.

Malamig ang pawis na namumuo sa kaniyang noo, habang nakatitig sa lalaking nakatayo sa labas ng bahay nina Ivan. Pabalik na silang dalawa at nagapagkasunduan nilang magtulungan na lang imbes na magpatayan.

“Hindi ka niyang kakainin,” patawa pa nitong sabi sa kaniya habang pinisil pa ng bahagya ang kaniyang malamig na kamay. Kinawayan pa niya ang lalaki na nagmamasid lang sa kanilang dalawa. “Hi, dad!” bati pa nito.
Mas lalong bumilis ang pintig ng puso niya. At nang magtama ang kanilang mga mata, pakiramdam ni Diara pati kaluluwa niya ay tinitingnan na nito. Ivan’s father. Siya na ba? Siya na ba ang matagal nang hinahanap ng kanilang angkan? Hindi pa rin siya makapaniwalang makakaharap na niya ang lalaking ito. All this time, ganito lang pala ka-simpleng makita ang isang taong parang bula lang kung titiisin.

The god in a secret prophesy actually exists.

Kabaliktaran sa kaniyang iniisip, nakadamit ito ng itim mula ulo hanggang paa. Parang nasa twenties lang ang edad. Katulad ni Ivan, kaparehong-kapareho rin ang kulay at hugis ng kanilang mga mata. Pareho rin sila ng height, pero mas maganda ang hubog ng katawan ng kaniyang ama.This man is a bit creepy, instead of being Zeus’ grandson. Kakaiba ang aura nitong ramdam na ramdan niya kahit pa sa malayo. His face is solid, yet his eyes are warm…like Ivan.

Hindi pa rin ito tumitinag sa kaniyang kinatatayuan. Napalunok siya ng wala sa oras. At habang papalapit na sila nang papalapit, hindi mapigilin ni Diara na hindi manginig ang kaniyang tuhod. This man is really something, pero ayaw niyang magpahalata sa taong ito.
Hindi pa rin binitiwan ni Ivan ang kaniyang kamay. Nakangiti pa ito sa kaniyang ama na para bang hindi malaking isyu ang ginagawa nitong paghawak sa kaniyang kamay.

"Good morning, Dad." bati pa nito, "Kanina ka pa ba nakauwi? So, how's lolo?"

Ngumisi pa ang kaniyang ama na may bahid ng pagkademonyo at tumingin kay Ivan nang makahulugan.

"Nagwawala nang malaman na niya ang balitang malapit nang ikasal ang kaniyang unica hija sa Underworld." 

Bumungad kaagad ang ngiti sa mga labi ni Ivan. May ikakasal daw sa Underworld. Pakiramdam niya, may kulang na impormasyon na nakalap niya. Halos magsalubong na ang kaniyang kilay sa pag-iisip kung sino ang ikakasal.

Nabaling ang atensiyon ng ama ni Ivan sa kaniyang gawi. " Magandang umaga, Diara."

Nanlaki ang mga mata ni Diara nang mabanggit nito ang kaniyang pangalan. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?"

Ngumiti lang ito sa kaniya, at doon niya napansin na hindi naman pala ito ganun ka-creepy kagaya ng kaniyang inaakala.

"My dad's name is Nyx," pagpapakilala ni Ivan. "He knows everything."

Isang tipid na ngiti lang ang itinugon ni Nyx habang nakatingin sa kanilang dalawa na wari'y walang kakaibang kakaibang nagaganap.

Kung kaya niyang malaman ang lahat, ibig sabihin, alam nito ang tunay niyang pagkatao. Pero naguguluhan pa rin si Diara kung bakit umaasta lamang ito na normal lamang ang lahat. Hindi niya iyon maintindihan.

ADK V: Dark Kismet (✔️)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum