Chapter 28: Accepting Defeat

1.5K 58 4
                                    

When fairytales seems blurry, and happy endings are beyond reach, there is nothing left to do but to accept it.

Mahirap, pero kailagan. Dahil iyon ang tama. Kahit na sa loob-loob niya'y nasasaktan pa rin siya. He somehow believes it, in a way that there is a happy-ending between them. Pero katulad ng isang kathang isip lamang, mananatiling gano'n na lang din ang kaniyang pangarap. Brooke just let his heart shatters
like that.

Libreng pumili ang kaniyang prinsesa sa kung sinuman ang mamahalin nito. Marahil ay hindi lahat ay kailangang iasa sa isang kuwentong-bata lang. Kung pwede lang turuan ang puso nitong mahalin siya. At kung pwede lang sanang turuan ang puso niyang kalimutan ang prinsesa.

Habang nakikita niya ang lalaking umagaw sa kaniyang mapapangasawa, hindi niya kayang magalit nang husto. Bilang prinsipe, alam niya kung kailan siya lalaban, at alam din niya kung kailan siya susuko.

"Sasama ka ba?" tanong ni Diara sa kaniya. Iyong mga mata nito ay wala ng kaninang-kaninang. Hindi kagaya noon. "Kailagan kong iligtas ang mga magulang ko."

Napabuntong-hininga na lang si Brooke. Kahit na hinilom na ni Ivan ang kaniyang mga sugat, patuloy pa rin siyang nasasaktan. Iyong tipong sakit na kahit ano'ng manhid ang gagawin niya ay nando'n pa rin.

"Ililigtas mo ang iyong mga magulang, sa mismong ama mo rin sa mundong ito. At hindi mo rin alam kung mamahalin ka pa ng mga magulang mo pagkatapos nilang malaman na kasa-kasama mo ngayon ang diyos na gusto nilang paslangin. Para kang sumusugal, Diara. Para kang sumusugal sa isang walang kasiguraduhan."

"Hey, hey! Watch your words!" biglang banat ni Ivan habang napansin kaagad ni Brooke ang paghawak nito sa kamay ni Snow. "We are going to save her parents."

It breaks him. Kaso kailangan niyang maging mas matapang pa na harapin ang katotohanang ito.
"Hindi ko alam kung paano, pero tutulong ako sa abot ng makakaya ko. Wala na sa akin ang kakayahan kong lumaban. Ayoko ring maging pabigat sa inyong dalawa."

"Kailanman ay hindi ka naging pabigat sa akin, prinsipe."

Pilit ang ngiting itinugon ni Brooke habang nakikita niyang kampante na si Diara sa piling ng iba; isang bagay na kay tagal niyang hindi nakita sa prinsesa.

Napatingin siya sa isang gilid na kung saan ay nakagapos si Teara at nilagyan pa ng takip ang bibig nito. Pagkatapos nang pagpapakita ni Ivan, natalo rin si Tearra sa labanan. Mahirap mang aminin pero masyadong malakas si Ivan. Aminado siyang hindi pa rin siya makapaniwalan isang diyos ang iniibig ni Snow ngayon.

Walang pagdadalawang-isip, kusang lumapit ang mga paa ni Brooke kay Teara. Sa unang beses, ngayon lang niya napansin ang kalungkutan sa mga nito na halos kaparehong-kapareho ng sa kaniya.

"Pagtatawanan mo ba ako ngayon, Teara?" pangiting tanong ni Brooke. "Hindi ako galit sa 'yo. Kailan man ay hindi ko kayang magalit sa 'yo."

Hinalikan ni Brooke si Teara sa kaniyang noo habang kinabig ito sa kaniyang dibdib. Ganito pala kasakit ang magmahal nang hindi nasusuklian.

"Pangako, ipaglalaban ko ang kalayaan mo laban sa hari. Tama na ang pagpapanggap. Alam kong may kapalit ang lahat ng ito sa 'yo."

Alam niyang gusto magsalita si Teara. Ngunit, luha na lang ang nakita ni Brooke ang pumapatak sa mga mata nito.

"Babalikan kita rito," dagdag pa niya, "Hintayin mo akong bumalik."

Tumango lang si Teara bilang pagtugon. At sa mga oras na ito, ibang Teara ang kaniyang nakita - iyong Teara na kilala niya noon. Malumanay. Mapagmahal. At walang hinihinging kapalit sa isang pagmamahal.

Kung pwede lang turuan ang puso. Kung pwede lang...

"Brooke!" sigaw ni Diara sa kaniya, "Tara na."

ADK V: Dark Kismet (✔️)Where stories live. Discover now