Chapter 30: Until The End

1K 44 16
                                    

Part Two:

There is nothing left to do but to fight back, in a hopeless kind of way.

Gustuhin mang magmukmok na lang ay kailangang lumaban ni Diara. This has to stop. And her life won't be at peace if it she won't fight back.

"Ang bilis mo namang maging tanga, Snow."

Tumutulo pa rin ang kaniyang mga luha habang napalingon kay Kluner sa bandang likuran. Her heart is still heavy, knowing that she just lost her mother.

Napako ang mga mata ni Diara sa patalim na hawak-hawak ni Kluner. Hindi katulad kanina, nanlilisik na ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya.

"Salamat sa 'yo, nabuo ang plano ng grupo." Pangisi pa itong nakatayo habang kapansin-pansin na ang pagbabago nito ng katauhan. "Nandito ka na talaga sa loob. Isinama mo pa talaga ang walang-hiya kong kapatid. Bonus na ang isa pang nilalang na magandang pag-aralan. Ang tanga-tanga niyong lahat! Walang Elliott at Ysures dito. Pero nang dahil na rin sa inyo, baka magpakita na rin ang mga iyon sa palasyo."

Halos mabiyak na naman ang puso ni Diara. Isa na naman ang nagtaksil sa kaniya. "Kluner? Bakit, Kluner?"

"Simple lang," anito, habang naglalakad na papunta sa kaniyang gawi. Naalarma na si Diara. Her powers won't still work. Palinga-linga pa siya kung ano ang pwedeng maging sandata.  "...kapangyarihan."

"Kluner, bakit? garalgal na ang boses ni Diara sa kakaiyak simula pa kanina. She cannot believe this. Alam niya ang loyalty nito sa kaniya. Nilabanan niya ang kakambal nito na si Lotus, at pinili nitong mas kilalanin na kapatid ang half-brother na si Brooke. "Hinid ikaw 'to, 'di ba? Hindi ikaw 'to."

Mas lalong lumutong ang mga tawa nito sa kaniyang harapan. Diara can barely breathe. Kluner's eyes aren't the same eyes as before. Pure wicked, something that she doesn't expect.

"Minsan, ang tunay na kabaitan ay nagiging isang kahinaan ng mga nilalang." Sumugod na si Kluner at mabilis na iwinasiwas ang espada nito sa kaniya. Bago pa man tinamaan ang kaniyang balikat, napaatras na si Diara. Walang silbi ang kaniyang palaso at pana sa mga oras na 'to. "Mamatay ka na, Snow! Mamatay ka na!"

Sa lakas ng paghahampas ni Kluner sa espada, bumaon ito sa sahid nang hindi nito tinamaan si Diara, kagaya ng plano. Walang sinasayang na segundo, mabilis na sinipa ni Diara si Kluner sa sikmura nang tangkain na namang bunutin nito ang espada. But that isn't enough. Kumuha pa si Diara ng kung anu-anong pwedeng ihagis kay Kluner para lang matumba, pero kulang pa rin.

"Dito na magtatapos ang iyong kuwento, prinsesa."  Nabunot na naman ni Kluner nang tuluyan ang sandata nito at pinipilit nitong patamaan ang kaniyang leeg, sa pahalang na pagtabas sana nito, ngunit nakayuko si Diara. Sumunod na pinunterya ang kaniyang mga tuhod. At mabilis namang nakatalon paatras si Diara upang iwasan lang iyon. Puro na lang siya iwas. Palagi na lang siyang umiiwas.

Parang hangin na sumasabay sa sayaw nito, pinagaan ni Diara ang kaniyang bigat. Mistula siyang hangin din nang inilipat ang malakas na aura sa kaniyang paanan ,at ginamit ang kaniyang buong lakas upang humanda sa isang pagsugod. Tumakbo si Diara pabalik, at bumwelo muna sa pader, at saka hinarap si Kluner sa hangin. Para siyang tumatakbo nang hindi naman nakatapak ang kaniyang mga paa sa lupa. Sumusugod siya na may determinasyon, at nasapul ni Diara si Kluner sa ulo at nawalan ito ng balanse. Natumba si Kluner sa sahid, pero mabilis din na nahablot nito ang kaniyang paa. Hinatak ni Kluner ang mga paa ni Diara pababa. At saka nito ibinalibag ang katawan ni Diara sa pinakamalapit na pader.

Halos hindi na makatayo si Daira sa sakit na natamo. At kung malas-malasin nga naman, nagpakita pa sina Bliss at Eze na mukhang galing pa yata sa isang labanan. May mga sugat na rin ito.  Nakatayo sila sa may pintuan habang hindi naman alam ni Diara kung paano niya tatakasan ang sitwasyon na 'to. Mas dumadami ang kalaban. Mas humihirap.

Pinipilit niyang indahin na lang, lalo na at papunta na sa gawi ng mga magulang niya si Eze. Sobra siyang naalarma na kahit duguan na ang kaniyang ulo ay napatakbo siya nang wala sa oras.

"Papa!" sigaw ni Diara sa takot, na baka pati ang kaniyang ama ay mawawala rin sa kaniya, "Ilag, Papa! Ilag!" Narinig naman siguro siya ng kaniyang ama, ngunit sadyang tulala pa rin ito sa sinapit ng asawa. Diara can't blame him for his lost.

"Eze!" sigaw niya, samantalang kinuha ang kaniyang pana at palaso. Hinanda ito para patamaan si Eze. Ordinaryong pana lamang ito, ngunit mayro'n pa naman itong silbi kung malayuan ang labanan. Tumama ang kaniyang pana sa kaliwang braso ni Eze, bago pa man ito nakalapit nang husto sa kaniyang ama.

Pero, iyon din ang ginawang butas ni Bliss upang madakip siya nang tuluyan. He stabbed her back using his dagger. At sa sobrang sakit nang nadarama ni Diara, hindi niya alam kung kaya pa ba niya, lalo na't ibinaon pa ito nang husto. Lumusot ang talim sa itaas na bahagi ng tiyan. She can feel the massive pain of it. Lumuwa kaagad siya ng dugo, at saka siya tuluyang bumagsak sa sahig.

Sa isang iglap, parang nag-flash back ang lahat. Naalala niya ang nakaraan nila ni Bliss. No'ng panahon na hindi pa magulo ang lahat...no'ng panahon na palaging nasa tabi niya iyo. Minsan, nakakasakit ang isang alaala kung masyado itong perpekto kung alalahanin, at kabaliktaran naman pala kung ano ang nangyayari sa kasulukuyan. She can't bring the past in the present, and she can't change the future, too. She's stuck in this nightmare. At ang sakit-sakit pala. Ang sakit-sakit pa rin.

Kahit na duguan, at sobra nang nanghihina, pinipilit na lumaban ng kaniyang ama laban kay Eze. At si Diara, ayaw niyang kumurap habang kitang-kita sa mga mata ni Bliss ang kagustuhan nitong mapatay siya. Sapilitan nitong hinahablot ang kaniyang buhok at pinatingala siya upang makita ni Diara ang mga demonyo nitong ngiti. Biglang hinugot ni Bliss ang patalim na nakabaon sa kaniyang likod, na siyang ikinatili ni Diara nang husto. Sa sobrang sakit... hindi niya alam kung paano niya 'yon makakaya pa. Napapaiyak si Diara sa matinding kirot, pero mas tumindi pa 'yon nang bumulagta sa kaniyang harapan ang kaniyang ama na may malaking hiwa sa dibdib. Nanlaki ang kaniyang mga mata habang nasaksihan ito. Hindi siya halos makahinga. Para bang nag-slow motion ang lahat.

"Papa! Papa!" napasigaw si Diara, at hindi iniinda ang mga sugat niya sa katawan. Alam niyang wala ng pag-asa ang papa niya. Pero, ayaw pa ring maniwala ng puso niya. "Papa! Bangon! Bangon, Papa!"

"D-Di-a-ra- " pautal nitong bigkas sa kaniyang pangalan.. "a - anak." At doon ay tuluyang nang bumagsak ang lahat ng sakit at hinanakit ni Diara na tinatago lang sa sarili. He never call her a daughter, ever since. Para sa papa niya ay isa lamang siyang sundalo at hindi anak.

Hearing it for the first makes her heart aches for the longing, ang knowing it will be the last, breaks her heart over and over again. Kitang-kita ni Diara ang titig ng kaniyang amang napupuno ng pagmamahal, bago pa man ito tuluyang pumikit sa kaniyang harapan. Tuluyan na siyang nilisan ng kaniyang ama.

"Ikaw ang susunod," banta ni Bliss sa kaniya. At do'n lang din nila napansin na bumagsak din pala sa sahig si Eze.

****

A/N: Two more chapters pa, guys. May plot na until Epilogue. And yeah, this chapter is a heart-wrenching one. :/

- Kyrian18

ADK V: Dark Kismet (✔️)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum