Chapter 7: Another World Another Heart

1.8K 69 19
                                    

A/N:  Happy Holiday everyone. ;)

*******

Chapter 7: Another World Another Heart

Part One

        Aghast, halos hindi makapaniwala si Ivan sa kanyang nakita. Paano nangyaring close ang dalawang ‘to nang hindi niya nalalaman? Kailan pa? Matagal na ba?  Kanina si Nathaniel. Ngayon naman, ang lalaking ‘to ang kausap niya. Maraming mga tanong ang namumuo sa kanyang isipan, pero mistula lang siyang natulala sa eksena. He had no words to utter. He had no right to ask questions. But still, seeing her happy with someone shredded his heart.

        Kung p’wede lang basahin ang kanyang isip, ginawa na niya. Pero, hindi naman niya aakalain na habang tumatagal ang kanilang pagkakaibigan ay palabo nang palabo na rin ang kakayahan niyang ‘yon kay Claire. Hindi na niya nababasa pa ang laman ng isip nito.

        How he wished to…

        “Claire—“ Narinig pa niyang sambit nito at kumawala sa pagkakayakap ni Claire sa kanya mula sa likuran, “What are you doing?”

        Napansin ni Ivan ang pagkasimangot ni Claire habang inaayos pa niya ang kanyang salamin. Nakakatawang isipin na mabilis ding lumabo ang kanyang mga mata sa mabilis na panahong nagdaan.

        “Ang arte mo!” singhal pa niya habang nakapameywang, at saka lang niya ako nahagip sa kanyang paningin nang tuluyang umatras ang lalaking ‘to sa aking harapan. “I-Ivan?”

        He could hear her croaked voice. Pati siya, nagulat rin. Napansin din ni Ivan ang mga mata ng lalaking ‘to na pare-pareho lang sila ng nararamdaman. Pare-pareho silang nagtitigan. Pare-parehong walang gustong magsalita.

        Ivan didn’t move. Hindi din nagbago ang kanyang facial expression. Dati-rati, isang ngiti kaagad ang ibinibigay niya kay Claire sa tuwing magkikita silang dalawa. But not this time. Blanko lang ang kaya niyang ibinigay.

        He was hurt a while ago just by seeing her with that Nathaniel.

        And this.

        May rason pa bang natira upang makangiti siya kagaya dati?

        Wala na siyang dapat bang sabihin o itanong. Wala na rin siya sa mood para manatili sa lugar na ‘to. Nagseselos siya, alam niya. Damn. Pareho lang sila ng lalaking ‘to ng nararamdaman. Nagseselos nang palahim.

        This day was getting worse than he’d expected.

        “Ivan!” Rinig niya ang boses ni Claire habang siya ay walang-imik na tumalikod na lang. “Ivan! Sandali!”

        Hindi siya nagpatinag sa boses ni Claire. Nagpatuloy lamang siya sa paglalakad papalayo. How he’d wished to teleport at this very moment. Ngunit, sadyang binigyan siya ng limitasyon ng kanyang ama. Ni hindi nga niya alam kung alam babalik ang kanyang mga kapangyarihan. At saka lang niya naisip na, ang tanga-tanga niya pala.

        Sa sobrang tuwa niyang binigyan siya ng freedom, nakalimutan niya ang mga consequences pati na rin ang mga ‘what ifs’ sa hinaharap.

        All he thought, that finally, he would have time for Claire. Si Claire lang ang nasa isip niya sa mga panahong ‘yon. To be with her, ‘yon lang ang gusto niya, pero para bang hindi siya masaya.

        Hindi siya sumaya.

        Pakiramdam ni Ivan, parang ang bigat ng kanyang mga paa na nagpatuloy sa paghakbang papalayo sa taong nais niyang makalapit at makasama.

He heaved a sigh, realizing that falling in love in a mortal made him a fool, and falling in love with someone who had no feelings for him, made him way more stupid.

        Damn. Bakit hindi nangyari ang nangyaring lovestory ng kanyang mga magulang? His dad was Greek god and his mother was a plain mortal. Pero na-inlove ang dalawa sa isa’t-isa. It was pure love. And why couldn’t he have one?

        His own love story…

*****

        Pagkakataon nga naman.

        Nakita ni Diara si Ivan na naglalakad na para bang mas binagsakan pa siya ng mundo kaysa kanina.

        Ngumiti pa siya nang pagak na para bang nadidismaya siya sa tuwing nakikita niya na kung gaano kahina ang nilalang na tinatarget niya. Hindi niya aakalain na ganito lang pala siya kahina. Hindi totoo ang mga bulung-bulungan patungkol sa kanyang pagkatao. Hindi naman pala ‘to gano’n kalakas kagaya ng kanilang inaakala.

        Walang-ingay niyang pinagmasdan si Ivan na naglalakad papunta sa kanyang gawi. Mas lalong naging golden ang buhok nito sa tuwing natatamaan ng ilaw. Blanko pa rin ang expression kagaya kanina pero nararamdaman niyang mas bumigat ang nararamdaman nito.Hindi niya alam kung ano ang nangyari pagkatapos nilang mag-usap, pero mukhang badtrip at wala sa mood si Ivan.

        Tinakpan ni Diara ng textbook ang kanyang mukha para hindi siya nito makita. Pero, hindi pa rin niya kayang pigilan ang sarili na tingnan ito nang palihim. Ano nga ba ang meron sa lalaking ‘to ay mukhang siya pa yata ang namamagnet niya.

        “If I were you, you should kill him now.” Halos mabitiwan ni Diara ang libro sa kanyang mukha sa malamig na boses na ‘yon.

        Mabilis niyang naamoy ang lavender scent at naramdaman niya ang preseniya nito na hindi man lang napansin kung paano o kailan ito tumabi sa kanya. This guy was fast, literally.

        Ibinaba niya ang kanyang libro nang makitang dumaan na sa kanilang harapan si Ivan na para bang lutang na lutang ang pag-iibig, at inilapag ‘yon sa kanyang mga hita, bago niya tiningnan ang kanyang Kuya.

        “But you are not me, Kuya. Back-off with my prey.”

        Pero ngumisi lang si Nathaniel sa kanyang harapan na para bang gigil na gigil din kay Ivan. What was between the two? Dahil ba may common friend silang dalawa? Si Claire?

        “Not for long, my dear sister. Not for long,” he assured.

        “What do you mean?” He slowly patted her shoulder.

        Tumayo si Nathaniel at iniwan siyang punong-puno ng mga tanong sa utak.

        Ano ba ang ibig sabihin no'n?

        May nangari bang hindi niya alam?

ADK V: Dark Kismet (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon