Chapter 24: Nathan's Identity

1.5K 69 19
                                    

Chapter 24: Nathan's Identity

The intense is real.

Hindi makakilos nang maayos si Diara sa sitwasyon na iyon – na para bang silang tatlo na lang ang nandoon at wala ng iba pa – ganoon na lang ang tindi ng kabog ng puso niya. She can't even stare back with her Kuya Nathan, na lima o anim na metro lang ang layo sa kanila ni Ivan. Palipat-lipat lamang ang kaniyang tingin sa dalawang lalaking pinagtitinginan pa rin ng mga tao sa loob ng mall. Kulang na lang ay mapagkamalan ang dalawang ito na celebrity sa pagkalutang ng kagwapuhan nila.

His blonde hair is a bit shorter than usual. Halatang nagapagupit ang kuya niya bago pa man ito pumunta rito. His clean-cut hair makes him more mature. His golden eyes are so intense that she instantly gulps her own saliva in her throat. Kulang na lang ay kainin siya ng buhay sa isang timpleng titig lang. Gusto pa sana niyang kumapit sa braso ni Ivan, pero nagdadalawang isip siyang gawin 'yon. This isn't the time for being weak.

Nakatitig lamang siya sa kuya niyang wala pa rin imik. He stands taller than those men who are passing by. Well, two of them, though – Ivan and her Kuya Nathaniel. Himala na at wala pang nangyayaring sagupaan sa kanilang dalawa. They are just staring at each other with those fearless eyes. Para silang bomba na kahit anong oras ay pwedeng sumabog. One can feel it, but she can. Hindi alam ni Diara kung ano ba dapat ang una niyang mararamdaman sa tagpong ito. No one dares to speak first. At habang patagal nang patagal ang kanilang pagtayo ro'n, at mas lalong tumatagal pa ang kanilang pananahimik, mas lalong naging hindi kampante si Diara. This isn't good. There is nothing to feel good, to be honest.

"Kuya – "She tries to call his name and speak a bit more, but he cuts it, using only his cold façade.

"Save your words, Diara," he speaks in a low tone, "Hindi ikaw ang gusto kong makausap." Napatingin siya sa direkta ni Ivan, na halatang ganun din ang nararamdaman.

Ang lamig ng kuya niya sa kaniya. Was it because of his bestfriend? May alam ba siya sa nangyari sa kaniya. Does he know everything about her?

"Let's not talk in here," mahinang sagot ni Ivan. His smiles fade, too. His black eyes glisten. Parang may iba. Parang may mali. Parang kilala na nila ang isa't-isa.

Ivan grabs her arms and they suddenly flash into another place; less people, less human contacts. Parang napunta sila sa isang lugar na wala man lang ka-tao-tao. O, mas magandang sabihin ng para bang hindi pa napupuntahan ng tao.

Nasa kalagitnaan sila ng gubat, na kung saan ay kitang-kita ang ganda ng kalikasan na malayang namumuhay sa isang lugar na tila ba'y isang paraiso na kung titingnan. Sa kalagitnaan ng gubat, sa kanilang harapan, makikita ang batis na sobrang linis. Hindi niya alam kung ano ang mayroon sa batis na 'yon, pero pakiramdam ni Diara, kumikinang ito habang hinahalikan ng liwanag ng buwan.

She can't believe it. Kakalabas lang nila ng isla nina Ivan, at umaga pa nang lisanin nila ang lugar na 'yon. At isa pa, isa o dalawang oras pa lang ang nakalipas nang dumating naman sila sa mall. Masyado pang maaga ang lahat para makita niya ang buwan. Napatingin siya kay Ivan na wala pa ring reaksiyon ang mukha. Akala niya, silang dalawa lang, hanggang sa nakita niya ang kaniyang Kuya Nathan sa gilid ng batis.

She gets shocked. Nanlaki ang mga mata ni Diara habang nakatingin sa kuya niyang inilantad ang itinago nitong kapangyarihan. She never knows that he has teleportation powers. No one knows. Kahit sigurado sa kanilang mga magulang, walang alam, na kaya niya ang isang bagay na gustong makamit ng mga magulang nila. They always want that powers ever since, para mas mabilis ma-track ang mga diyos na nagkakalat lamang sa lupa. Of all those powers capabilities, why does he let them hidden in their kind?

ADK V: Dark Kismet (✔️)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora