Chapter 27: The Rivals

1.3K 53 4
                                    

Part One

Sa tabi ni Diara, para bang langit kahit na alam ni Brooke na nasa empiyerno na ang kaniyang pakiramdam. Hindi niya alam na may kinahahantungan pala ang maling pagmamahal. Mas masakit pala kapag ibabalik ang isang pag-ibig na hindi nasusuklian. Nagiging mas mapusok. At nauuwi rin sa paghihigante

"Snow White," halos pabulong na lang boses ni Brooke dahil sa sobrang hina na ng kaniyang katawan. Sumiglang bigla ang kaniyang pusong kay tagal nang nananabik sa kaniyang prinsesa. He misses her. A kind of miss that he can't understand. Kasi, sided na lang ngayon.

"Hindi ka dapat naparito. It's a trap." Puno ng takot para sa babaeng kaniyang pinakamamahal, kahit gusto pa niyang makasama ito nang matagal, ay hindi pwede. "Umalis ka na! Leave me here, Snow. You shouldn't be here."

Pero, hindi siya nito pinansin. Parang gusto ni Brooke na magreklamo, but he's too weak too even do that. His body aches a lot, for too many tortures - physically and mentally.

"Princess - "

She is too good at playing deaf. Naiinis siyang malamang si Diara pa talaga mismo ang magliligtas sa kaniya. It shall be the other way around.

"Listen," he tries to speak out, "Leave me now."

"I can't." mahinang tugon nito sa kaniya, "I need you now, Brooke. And I can't leave you like this."

Halos matunaw si Brooke sa sinabi nito. His heart melts by those words that he wishes to hear. Pero hindi ito ang oras ng pagsasaya.

"I'm a burden now, princess."

"Because of me," dagdag nito habang nagpatuloy silang dalawa sa pagbaba ng hagdanan. "You aren't a burden. You just bargained your strenght and your fighting skills to find me in another dimension."

He closes his eyes for that tragedy. Natalo siya sa kanilang kasunduan. Her princess doesn't love her. She can't love him back. At kahit na gano'n, wala sa puso ni Brooke ang magalit sa babaeng ito. He loves her that much. Sobra-sobra, na hindi pa rin niya kayang nasasaktan ito.

Alam niyang may nangyari. Alam niyang hindi basta-basta susugod ang kaniyang prinsesa ng walang dahilan. If only he can help her, but things are different.

"I'm too weak to fight. Nawalan na rin ako ng kakayahan na lumaban pa. Hindi mo ako kailagan, prinsesa. Leave me now. I want you safe."

"You'll thank me, later."

"Pakiusap, prinsesa."

But that is too late. Habang pababa na sila sa torre, saka naman nila naabutan si Teara na paakyat naman. Halata sa mga mata ni Teara ang pagkagulat nang makita niya si Diara sa tabi ni Brooke. Teara's eyes widened as anger and jealousy reflect through them.

"Hindi mo pwedeng kunin nang basta-basta ang isang taong alipin ko na ngayon." Napahinto silang tatlo sa paikot na hagdanan. "Akin lang ang prinsipe."

Walang pakialam na ibinaba ni Teara ang mga dala nitong gamot, pagkain, at isang malinis na damit. At walang pasabing sumugod ito sa kanilang gawi ni Diara, gamit lamang ang dalawang kutsilyo na nakalagay naman sa magkabilang hita nito. Walang magawa si Brooke nang binitawan siya ni Diara at mabilis na ginawang pananggalang ang palaso nito, bago pa man tuluyang masaksak silang dalawa.

Hindi niya aakalaing dadating ang lahat sa isang pakikipaglaban.

"Tumigil kayong dalawa!" utos ni Brooke, na hindi naman nila sinunod.

"Papatayin kita, lapastangang babae!" pagbabanta ni Diara. Dahil sa nakaangat ito kay Teara sa hagdanan, sinipa niya si Teara sa may sikmura. "Hindi ka reyna! Ibalik mo ang kaharian ni Brooke! Lapastangan!"

ADK V: Dark Kismet (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon