Chapter 35: It's Time to Let Go

1.2K 49 8
                                    

Nothing can ever compare the pain that Ivan has felt for losing her...

Hindi nila nagawang iligtas si Diara. Namatay siya, kasama ang kaniyang puso. At katulad sa fairytale, ilalagay din siya sa kabaong na gawa sa yelo para ma-preserve ang katawan nito nang pangmatagalan.

Tatlong araw na ang nakalipas. Pinatawan ang hari nang panghabambuhay na pagkakakulong sa ilalim ng palasyo. Nawawala ang ilan sa mga Seven Deadly Assasins at alam nilang magbabalik pa ang mga iyon. Katahimikan ang umiiral pagkatapos nang isang labanan. At ngayo'y unti-unti nilang binubuo ang Yuteria.

Sa gilid ng isang pampang, malapit sa Forbidden Forest, at sa gilid ng isang lawa, inilagay nila ang himlayan ni Diara. Alam nilang mas gugustuhin ng prinsesa ang mamalagi ang kaniyang bangkay sa kalikasan, kaysa sa kung saan pa man.

Maulap, ngunit hindi maulan. Sumasabay pa sa lamig ng simoy ng hangin ang lamig na nadarama ni Ivan. He needs to let her go, but it's so damn hard to do it. Paano ba niya i-le-let go ang isang taong gugustuhin niyang maging parte ng buhay niya?

"Masasanay ka rin," sambit ni Brooke habang naglalakad sa kaniyang puwesto. "Noong una, hindi ko rin natanggap kaagad ang pagkawala niya. Hindi ko matanggap na namatay siya nang gano'n na lang."

Inilipag na nito ang mga mapupulang rosas sa gilid ni Snow White. Alam ni Ivan na nagtatapang-tapangan lang ang prinsipe. Alam niyang katulad niya, lugmok na lugmok din ito.

He has done everything he can to help her. Nagsakripisyo si Brooke para lang sa kaniya. Malaki ang nawala sa prinsipe dahil lang sa pag-ibig nito kay Snow. But at the end of a story, the princess doesn't love her prince.

"Masuwerte ka at pinalapit ka niya sa buhay niya," dagdag ni Brooke. "Ayaw niyang magtiwala sa ibang tao. Ayaw niyang mangialam sa buhay niya. She was a loner who loves to be alone. Pero sa 'yo, nagawa niyang makipag-usap. That's something that I can envy of."

"You are her prince," pagtatama naman ni Ivan, o mas magandang sabihing iyon ang katotohanan. "Ikaw ang dapat para sa kaniya kung tutuusin. Isa lang akong extra sa mundong ito. You and her are meant to be. Iyon ang nakatakda. Ang tadhana na mismo ang nagsasabing magkakaroon kayo ng magandang wakas."

"Fairytales are bullshits. They aren't made for happy endings. Diara and I have no happy ending in the first place. At alam ko, kahit saan ko man siya susundan, hindi pa rin niya ako kayang mahalin."

Nagtinginan ang dalawang lalaki sa kabaong na para bang natutulog lang do'n si Snow White. Suot-suot ang kulay asul na gown, at napaligiran pa ang kaniyang kabaong ng salamin at mga bulaklak. Lutang na lutang doon ang kagandahan ng prinsesa.

"Kung may mas karapatan man sa atin na manatili muna sa lugar na 'to, ikaw 'yon at hindi ako." Tinapik-tapik pa ng prinsipe ang kaniyang balikat na nagbabadya ng pagkatalo. "She's maybe my princess but I know....we both know, that I am not his prince in this story. Kahit hahalikan ko pa siya sa mga labi, alam kong hinding-hindi siya magigising sa halik ko."

Nagsimula nang maglakad si Brooke papalayo kay Diara.

"Sa'n ka pupunta?"

"Madami pang aayusin sa Yuteria. At pati iyong palasyo ko. Kaya maiwan na kita."

At bago pa nagsimulang maglakad muli, lumingon pa si Brook kay Ivan. "I'm so sorry for your lose...our lose. I hope you move on easily..."

"Can you?"

Tumahimik si Brooke at ngumiti, "When you truly fall in love, there is no moving on. Dahil kahit sa isang trahedya, patuloy pa ring titibok ang puso mo. That is a painful truth. That is forever. Your heart is forever painfully beating."

ADK V: Dark Kismet (✔️)Where stories live. Discover now