Chapter 3: Just Another Mistake

3.1K 85 34
                                    

Chapter 3: Just Another Mistake

Diara never expects that Ivan can be this so damn arrogant. Tama bang patulan siya sa isang debate? Well, killing their kind is her favorite topic. Napangisi pa siya kanina habang nakatingin lang sa isang blankong pahina ng notebook niya. At least, 'yong idea na 'yon ay hindi man lang alam ng katabi niya. Killing an immortal, she will do this task and never will fail. She has a mission and that mission will be fulfilled soon. Pero, hindi niya talaga maiwasang tingnan niya si Ivan. She looks at his perfect angle of his face secretly.

He is attractive, alright. Aminado siyang may gano'ng appeal ang lalaking ito. Pero, normal lang 'yan dahil isa siyang diyos. At kasamaang palad, dagdag puntos pa ang pagiging apo niya kay Zeus - ang dakilang babaero ng mga diyos. Honestly, 'yon lang ang nalalaman niya patungkol kay Ivan. Her parents never tell her about Ivan's parents. They've said that his mother is a mortal who has been immortalized, after she's got married with a god. And that was another question, who is that god? Who is Ivan's father? No one tells her. No one has ever known that one, single fact. At mas lalong nagbibigay buhay sa kaniyang kaisipang malaman kung ano ba talaga ang bumabalaot na misteryo sa lalaking 'to. Of all gods, that they want to hunt down, why choose Ivan? Marami namang mga bigateng diyos ang pwedeng unahin, pero, bakit siya? What is with this guy anyway?

At habang palihim niyang tinitingnan si Ivan, mas lalo lamang siyang nakatingin sa kawalan. This man looks interesting, but not in a way that these stupid girls think of. Napatutop na lamang siya sa noo habang napapansin ang mga babae nilang kaklase na walang ginawa kundi ang titigan ang lalaking ito.

Nope. Definitely not the way they like. She is sure of it.

*******

Natapos ang klase nang wala man lang pansinan. Mabilis na lumabas ang kanilang substitute professor na para yatang may hinahabol na kung ano o sino. Palinga-linga pa at patingin-tingin sa kaniyang orasan habang dali-daling naglalakad sa may hallway. Target niyang malaman kung ano ang ugnayan nina Dr.Edmund sa buhay ni Ivan. They seem to know each other so well, kaya nakapagtataka para sa isang immortal na makipaaghalubilo sa isang mortal na kagaya n'yan.

"Ang gwapo ni Sir!" dinig pa niya ang mga kaklase niyang hinahatid si Dr. Edmund ng tingin, "Kapag siya ang professor natin, hinding-hindi na ako magpapa-late!" pakilig nitong banat, na wala rin naman siyang pakialam.

Ano ngayon kung gwapo si Dr. Edmund?

Hindi porque gwapo ay kailangan nang mag-asal ng ganyan. Good-looking guys, they're the ones who can break a girl's heart without even having guilt on their faces. Ginagamit nila ang kanilang mga angking kakisigan para lang makapagbiktima ng iba. Diara hates those men who will make a woman fall and then will turn her feelings down – like a shit.

Just like her.

She closes her eyes, taking a deep breath, before she puts her things inside her bag. May mga nakaraan na hindi na dapat pang balikan o alalahanin pa. This is her new life, her new world, and her chance of living. At kung si Ivan ang susi para manumbalik ang lahat sa dati at magkaroon pa ng panibagong saysay ang buhay niya, pwes, hindi siya magdadalawang-isip para gawin 'yon.

"Tara! Sabay na tayo mag-merienda sa canteen," napahinto si Diara sa pag-aayos ng kaniyang gamit, at kaagad na napatingin sa lalaking nakatayo sa harapan ng kaniyang upuan. Instead of smiling, she gives him a frown before she speaks, "Come on! I'll treat you."

His white teeth revealed instantly—as always.

Kabaliktaran ng kuya niyang uneasy kong kumilos, iba naman si Brooke. He's always been this formal. Pati sa kaniyang bawat kilos at ultimo pananamit. Maybe, because, he's born in a higher class – more like a living prince.

ADK V: Dark Kismet (✔️)Where stories live. Discover now