Chapter 29: The Castle's Secrets

1.4K 58 6
                                    


Chapter 29: The Castle's Secrets

Hindi ganoon kahirap ang pumasok sa loob ng palasyo ng ama ni Diara. Everything goes according to their plan. Ginamit nila si Lotus para makapasok gamit ang aura nito. At dahil gumagamit ang palasyo ng kakaibang teknolohiya upang manatiling matibay ang kanilang pundasyon sa paggawa ng isang makapangyarihang harang laban sa kung sinuman ang mangahas na papasukin ang kanilang palasyo. Ganun pa man, mayroon pa rin itong kahinaan. Masyado silang kampante na walang magtatangkang lusubin o kalabanin ang kanilang palasyo. Pero, sa mga sandaling ito, mali ang kanilang haka-haka at paniniwala. Mismong grupo nila Diara ang nandoon para umaklas, o magligtas, o salungatin ang nakagisnan nang pamamalakad. Kahit saan doon, o alinmang dahilan, iisa lang ang sigurado - kakalabanin nila ang palasyo.

Bitbit nila ang prinsesa papasok ng palasyo habang nakatali pa rin ang buo nitong katawan. Nasa wisyo naman si Lotus habang karga-karga ni Kluner. Tahimik pa rin ang tatlong natira, at mas pinili na lang ni Diara na manatiling gano'n kaysa sa ibuka ang bibig. Gamit ang presensiya ni Lotus at kapangyarihan ni Ivan, kaagad silang nakapasok sa loob.

Masyadong pamilyar ang lugar ng kanilang napuntahan. Imbakan ng alak. Dito si Diara noon nagtatago sa tuwing hinahanap na siya ng kaniyang madrasta. Masyado pa siyang inosenti no'n. Wala pa siyang kamuwang-muwang kung ano nga ba ang nangyayari sa loob at labas ng palasyo. Ang alam lang niya ay mahalin ang snow, pahalagan ang mayro'n siya, at matutong makontento na lang sa mga bagay-bagay na alam din niya na hindi niya iyon ikasasaya. Hindi pala dapat gano'n. Dapat natuto siyang magtanong sa sarili. Dapat natuto siyang alamin ang tama at mali, ang kasinungalingan sa katotohanan, at ang huwad sa peke. Alam niyang kay tagal nang nagyari ang lahat at ilang taon din siyang naging bulag, pero kahit na ganito kasaklap ang isang wakas, pipilitin ni Diara na lumaban hanggang sa dulo, at ipaglaban ang nararapat.

"Handa ka na ba?" tanong sa kaniya ni Brooke, na halata rin naman sa mukha nito ang pangamba, "Hindi masyadong nagbago ang kabuuan ng palasyo magmula nang lumisan ka rito. Nadagdagan lang dahil dito na rin naninirahan ang Seven Assassins, pagkatapos mong mamatay. Maliban lang kay Teara na mas piniling manirahan sa palasyo ko, lahat nang natira ay binigyan ng iyong ama ng karapatan na maging isang opisyal sa palasyo. Hindi lamang iyon, binigyan din ang pito ng kapangyarihang mamahala sa lahat at magsamsam ng mga lupain at ari-arian bilang regalo sa kanilang matagumpay na pagpaslang sa iyo at sa iyong matalik na kaibigan."

Nangingilid ang mga luha ni Diara habang pinagmasdan ang buong lugar na dati ay may buhay pa.

"Bakit hindi mo sinabi? Bakit hindi mo sinabi kaagad, Brooke, na ganito na pala kalala ang sitwasyon? Bakit?"

"I did, did I?" seryoso nitong sagot sa kaniya. "I tried. God knows I tried. Pero, ikaw 'tong nagbulag-bulagan, prinsesa. Ikaw 'tong takot na harapin ang nakaraan. Ilang beses kong sinabing bumalik na tayo at ilang beses mo rin akong tinanggihan."

Tumahimik si Diara. May punto si Brooke. At kahit ano pa man ang kaniyang paghihimutok ngayon, alam din niyang mayro'n din siyang kasalanan. Nagtago siya. Natakot. At higit sa lahat, totoo ang sinabi nitong duwag siya. Kahit masakit, kailangan niya 'yong tanggapin.

"Kung nakinig ka lang sa 'kin. Kung naniwala ka lang sa 'kin no'ng una. E 'di sana, hindi ganito kalala ang nangyari. Naagapan mo sana. Kaso hindi, e. Hindi makasarili ka rin prinsesa. Pinili mong lumayo na lang. Magtago. At nagpanggap na isang kathang-isip lamang ang iyong buhay. Na hindi totoo ang isang kuwentong-pambata."

Dinagdagan pa talaga ni Brooke ang sakit. Masyadong nang mabigat. Masyado nang malala ang sitwasyon. At kahit ano'ng pagsisisi ang gagawin niya, nangyari na ang hindi dapat na mangyari. Para gustong umiyak ni Diara - gustong-gusto.

"Tama na 'yan," awat ni Kluner sa kaniyang kapatid, "Hindi tayo naparito para ipamukha kay Prinsesa Snow ang mga kahabag-habag na nangyayari rito. Mayro'n tayong misyon. Iyon dapat isipin." Ibinaba na niya si Lotus katabi ang mga naglalakihang sisidlan ng alak.

ADK V: Dark Kismet (✔️)Where stories live. Discover now