Chapter 2: How to Kill an Immortal?

3.1K 89 79
                                    

Chapter 2: How to Kill an Immortal?

Ivan goes inside their classroom, at walang imik nakasunod lang si Diara mula sa kaniyang likuran. For a weird woman like her, hindi aakalain ni Ayden na siya ang unang nag-approach nito kanina. For him, she is mysterious and aloof in a way that it quite gives him a bit of curiosity of her now. Ang mga tulad niyang babae, hindi basta-basta makikipag-approach sa kung kani-kanino lang, nang walang hinahanap o kailangan. Hindi naman sa marami siyang alam patungkol sa mga babae pero 'yon talaga ang nararamdaman niya sa isang 'to. Seeing her blank, yet odd facial expressions, wala sa aura nito ang pagkagusto sa kaniya bilang isang lalaki. She isn't the type of woman who droll over him and asks for his love.

So what is her purpose? Just being friendly?

He doubts.

Nagtinginan na naman ang lahat ng kaniyang mga kaklase sa kaniyang gawi na para bang gano'n pa rin ang paninibago nila sa hitsura niya. On the first day, it's annoying for him to have their attention like this. At kahit na naiintindihan naman niya kung bakit lutang na lutang ang pagiging kakaiba niya sa lahat, kailangan niya pa ring umasta na para bang normal lang ang lahat. Ini-imagine pa ni Ivan kung bakit mas gusto ng mga diyos na makisalamuha sa mundo ng mga tao kaysa sa magmukmok na lang sa kani-kanilang pantheon. Sapagkat, ang bawat diyos ay may kaniya-kaniyang pantheon o gusali na kung saan ang mga tao ay nagdadasal, nananalangin, at naniniwala sa kani-kanilang kakayahan. Madalas nakikita sa kanilang pantheon ang mga higanteng rebolto na sumisimbolo sa kanilang pagkadiyos.

He lips instantly curve, knowing these mortals don't even know what gods really looks like. Wala naman talagang matinong pantheon na nabuo at dahil noong late 16th century pa lang nang gumawa si Marcus Agrippa ng isang pantheon. Panahon pa iyong sa pamumuno ni Augustus Caesar.

"Hanggang kailan ka ba tatayo d'yan?" tanong ni Diara sa kaniya. Hindi pala niya napansin, hindi pa pala siya nakaupo sa sarili niyang upuan. He just watches their classmates, and what they do in their classroom. He looks amused, for in the first time of his life, he interacts

Kaunti na lang at tataasan na siya ng kilay ng isang 'to, na mukhang kanina pa nakaupo sa bakanteng upuan. He gives her a quick smile before he sits down. Nakakatuwa para kay Ayden 'yong kakaibang facial expression ni Diara every single time that he smiles at her. She seems so uneasy and too guarded with herself. Minsan, hindi niya tuloy alam kung kakatayin siya nito ng buhay, o approachable sa kaniya. Yes, she talks, but it doesn't mean that she's open already. Parang kakaiba talaga ang pakiramdam niya sa babaeng 'to.

"Thanks, seatmate," sabay kindat sa kaniya. Napansin niya ang pagkunot ng noo ni Diara at bahagyang nagsalubong ng kaniyang mga kilay, pero hindi rin naman ito nagbigay ng kakaibang reaksiyon – kagaya ng ibang mga babae.

She's silent, nakaupo siya sa bandang kaliwa nito. Behind her eyeglasses, he knows, her eyes are too observant. She wasn't even talking in the whole fifteen minutes in class except when someone will ask something or she will debate over it. She was interesting in an uninteresting way.

"Sorry guys, your professor is not available for today." Nagtinginan sila sa gwapong lalaki na bigla na lang pumasok sa kanilang klasse, "I will be his substitute as of this moment," pangisi pa nitong dagdag bago niya inilapag ang kaniyang mga gamit sa mesa. Umupo siya sa upuan na nandoon at habang inaayos nito ang sarili para maghanda, hindi tuloy alam ni Ivan kung ano ang dapat niyang maramdaman – kung magugulat ba siya o matatawa. This man is actually talking to people. Nakakapanibago.

"Kung sinus'werte ka nga naman! Dagsaan ang mga gwapo sa lugar na 'to!" Narinig pa ng mga kaklase ni Ivan ang mga hirit ng mga babae niyang kaklase na nasa kanyang likuran lang. He doesn'tt need to use his powers to read their thoughts. Rinig na rinig at kitang-kita naman sa kanilang mga mata ang kanilang paghanga sa bagong dating. Halos mapanganga na lang siya sa sobrang pagkamangka. Habulin din pala ito ng mga babae. Oras na malaman ito ni Jana, patay ang mga babaeng 'to. Baka matosta ang mga 'to nang wala sa oras.

ADK V: Dark Kismet (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon