Chapter 34: Let It End

1.1K 44 11
                                    

"She's dying..."

Iyon lang ang nasabi ni Brooke na kay hirap tanggapin para kay Ivan. This is not the end of this. No, hindi pwedeng hanggang dito na lang mapupunta ang lahat.

Iniwan niya ang hari sa kalungan. Mabuti na lang at bumalik ang kaniyang kapangyarihan, kundi isa na rin siya sa pinaglalamayan ngayon. Ikinulong niya mismo ang hari sa isang kulungan na para lamang sa mga katulad nila.

Hindi niya kayang pumaslang. At mas lalong hindi niya kayang patayin ang ama ng taong nagpapatibok ng puso niya ngayon.

"There is a way!" pagdidiin ni Ivan. Hindi niya kayang tanggapin iyon. At mas lalong hindi pa patay si Snow White.

Wala na sila sa kalagitnaan ng labanan. Gumuho rin ang kalahating bahagi ng palasyo. Tuluyan nang nawasak ang barriers. At mistulang bula,nawala rin ang mga halimaw.

Napalitan ng katahimikan ang buong kapaligiran. Tumigil ang labanan. Sumuko ang mga sundalong walang kalaban-laban. Pero alam nilang hindi dito nagtatapos ang lahat.

Mag-uumpisa pa lang ang laban. At iisang palasyo pa lang ang nakuha nila sa fairytale world.

At wala nang pakialam pa ro'n si Ivan. This is not his world. This is not his fight.

At nagpokus lamang siya sa babaeng naliligo na sa sariling dugo. The battle is finally over but another battle has yet to come.

"Hindi ito ang magiging wakas!" pagdidiin ni Ivan kay Brooke. At habang nagtatalo silang dalawa, mas lalong nauubusan na ng oras si Diara.

Madaming paraan. Walang impossible sa isang diyos na katulad niya. But he is scared. He is so afraid to lose her...

Madami ng kwento na kagaya nito; ang tiyahin na si Fate, ang kaniyang ama, ang mga kapatid ng kaniyang ama. Naranasan nila ang lahat ng ito. At hindi siya makakapayag na hanggang dito na lang ang istorya nila.

Napaluhod siya sa gilid ni Diara. Hawak-hawak nito ang malamig nitong kamay. Wala na ring kulay ang maputla nitong labi. Pinipilit niyang maging kalmado. Pero ang totoo, kanina pa nagwawala ang kaniyang puso. Natataranta. At nasasaktan.

"Pupuntahan ko lang si Lolo," paalam ni Ivan kay Brooke. "Maghahanap ako ng paraan. Ikaw muna ang bahala sa kaniya."

"Wala ka nang magagawa pa, Ivan. There's nothing that you can do."

Nanlilisik ang mga mata ni Ivan na humarap sa kausap, "That's bullshit! Ikaw ang prinsipe sa ating dalawa. Ikaw dapat ang nakakaalam kung ano ang ibig sabihin ng salitang himala at pag-asa."

"I am human."

Mas lalong nang-iinit ang ulo ni Ivan sa mga pinagsasabi ni Brooke. "You are a hopeless human."

Walang magawa si Ivan kundi tingnan si Diara na nag-aagaw buhay na. Kaunting panahon na lang ang nalalabi at mawawala si Diara nang tuluyan.

"I'll be back. I promise..."

****

"Hindi ang lahat ng bagay ay pwedeng mapagbigyan at pwedeng mangyari." Iyon lang ang sinabi ng kaniyang lolo ni Hades sa Underworld.

Wala ito sa mood. Mukhang nag-away na naman sila ng kaniyang lola na si Persephone. Madaming mga kalansay ng mga halimaw ang nagkalat sa teritoryo ng diyos ng Underworld. Palagay niya'y mga talampalasan ang mga ito at sinunog nang buhay ni Hades.

"Pero, lolo! Hindi mo ako naiintindihan! Kailanangan ko si Diara. Help me with this."

Imbes na lalambot ang mga mata ni Hades, mas lalo lamang itong nanlilisik sa kaniyang harapan, habang nakapangalumbaba pa sa trono nito.

ADK V: Dark Kismet (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon