Chapter: Ivan's Home

1.5K 51 3
                                    

"Claire? What are you doing here?"

Everything feels a little bit of awkward. Claire, Ivan, and her. Mukhang nauna pa yata ang isang 'to na makarating sa bahay nila kaysa sa kanilang dalawa ni Ivan. She catches her hand with Ivan, still. Nakapako ang kaniyang tingin sa kamay nilang dalawa. At pakiwari niya, wala namang pakialam si Ivan sa kung anuman ang magiging reaksiyon nito sa kanila. His handsome face is emotionless. Gusto mang basahin ni Diara ang isip nito pero sadyang blanko lang ang kaniyang nakikita.

"You're with someone," puna nito habang tinuluyang nang nakababa sa hagdanan, at hindi mam lang sinagot nito ang tanong ni Ivan.

"And you're here," mapaklang sagot naman ni Ivan, "Yeah, she's with me."

Bahagyang tumaas ang kilay ni Claire, pero nagkibit-balikat lang siya na para bang wala siyang pakialam. "Hindi ako sanay na makita kang may kasama ibang babae, bukod sa aming dalawa ni Jewel."

Diana senses that there's something wrong. Bigla na lang nagsungit ang babaeng ito ng walang dahilan.

"Hindi lang kayo ang mga babaeng kaibigan ko. Kaya dapat, hindi ka na magtataka kung may kasama man akong iba bukod sa inyong dalawa. Claire is a friend. At hindi ko kailangang magpaliwanag pa kung bakit kasama ko siya ngayon."

Nanlaki ang mga mata ni Claire sa malamig na pakikitungo ni Ivan sa kaniya. Mukhang hindi niya iyon inaasahan. Mukhang hindi niya napaghahandaan ang mga sasabihin ni Ivan sa kaniya. At dahil diyan, sinimangutan siya ni Claire.

"I see," tipid nitong tugon habang nakatingin si Claire kay Diara mula ulo hanggang paa. "Nakita na kita dati. You're with Nathan. Ikaw ang nakababatang kapatid ni Nathan, right?"

Tumango lang si Claire bilang reply pero hindi na siya nag-atubili pang sumagot. Hindi na kailangan pang magsalita. Ivan and her just met. Hindi ganun kalalim ang kanilang ugnayan sa isa't-isa, unlike them.

"She's my classmate," pagpapatuloy ni Ivan, "And a friend. You should be happy, Claire. Dumadami na ang mga kaibigan ko sa mundo ng mga tao. Dumadami na kayo."

Mas lalong hindi iyon nagustuhan ni Claire. Kitang-kita sa mga mata nitong halos nanlilisik na. In this moment, Diara feels how selfish this woman is when it comes to attention. She wonders why Ivan likes this woman a lot. She wonders why her big brother Nathan likes her too. Ano ba ang mayroon siya at pinaghahabol yata siya ng mga ito. Hindi niya iyon maintindihan. Hindi niya iyon makita.

"You're cold," nagpahalumikipkip na si Claire sa kanilang harapan. Direkta ang kaniyang mga salita. Walang bahid na paligoy-ligoy. "You're acting strange, Ivan. Dahil ba sa nangyari? Dahil ba nakita mo ako ng may kausap na ibang lalaki? Are you mad at me?" sunod-sunod niyang tanong.

The space between them is getting smaller, pasikip nang pasikip na para siya si Diara na ang naiipit sa sitwasyon. Ivan's cold stares towards Claire, and Claire's annoying expressions towards hers, kaunti na lang at magyeyelo na siya sa dalawang ito. Hindi niya sukat-akalain na hahantong sa ganito ang kanilang samahan.

Parang kailan lang, nag-effort ang si Ivan na makisalamuha sa mga tao para sa babaeng 'to.
Is that love? Is he in love with this woman?

"Mag-usap muna kayong dalawa."Bumitiw si Diara sa pagkakahawak ni Ivan sa kaniya. "Mukhang may marami pa kayong pag-uusapan, e. I'll leave both of you alone. Pupuntahan ko lang ang katawan k-" kamuntik na siyang madulas. Mabuti na lang at napigilan pa niya ang kaniyang sarili. "A-Ang kaibigan ko na natutulog lang sa kabilang kwarto."

Naglalakad na siya papunta sa kaliwang bahaging ng bahay nang marinig pa niya ang boses ni Ivan, "Susunod ako sa 'yo. Sabay na tayong mag-almusal."

Hindi na siya lumingon pa, pero ewan niya. Hindi niya alam kung bakit napangiti na lang siyang bigla habang nakatingin sa pinakadulong bahagi ng bahay. Her cheeks are warm, at mabuti na lang na nakatalikod na siya, kundi nakita na nito na namumula na ang kaniyang mga pisngi.

ADK V: Dark Kismet (✔️)Onde histórias criam vida. Descubra agora