Chapter 33: To Choose Or Not To Choose

1.1K 57 26
                                    

Ilan pa ba? Ilan pa ba ang mawawala sa buhay ni Diara? Sa nangyari kay Bliss, parang hindi siya makahinga. Her hands are shaking, fill with Bliss' blood.

"Hindi mo ba natatandaan, Diara?" Dumadagundong ang tawa ni Kluner sa buong silid. "Hindi ang prinsipe ang unang tumulong sa 'yo no'ng nakain mo ang mansanas, kundi si Bliss."

Tulala pa rin si Diara habang nakatitig sa maamong mukha ni Bliss na wala ng buhay. She just killed her bestfriend without knowing the truth. Hindi niya alam kung ano'ng dapat isipin at maramdaman pagkatapos matuklasan ang lihim ng nakaraan.

"Bliss..." She wants to touch the outline of his face, but she stops herself. "Why didn't tell me? You, stupid!"

Nag-uunahan nang pumatak na naman ang kaniyang mga luha. Alam niyang may kinikimkim din siyang galit laban kay Bliss pero kahit gaano karami iyon, mananatili pa rin itong may puwang sa kaniyang puso.

Alam din niyang papalapit na nang palapit ang mga yabag ni Kluner sa kaniyang gawi, pero hindi niya 'yon pinapansin. She's too hurt to even breathe well.

Kay dami nang nawala sa kaniyang buhay. Kailangan pa ba niyang lumaban kung wala naman siyang ipinaglalaban? Nawala na.

Namatay na.

"Ano'ng pakiramdam ang mawala ang buhay ng taong pinapahalagahan mo sa sarili mong mga kamay?" Idinampi ni Kluner sa kaniyang leeg ang espada nitong bitbit. "Tayo, prinsesa! Kung ayaw mong maputulan ng ulo!"

Napapikit lang si Diara. She feels so damn hopeless to life.

"Sige, pugutan mo na ako, Kluner. Kunin mo na ang buhay kong walang silbi. Sige! Ituloy mo na! Pagod na pagod na ako!" Mas lalo lamang lumakas ang kaniyang pagkahagulhol sa sahig na nabahiran ng dugo ng kaniyang ina, ama, si Eze, at si Bliss.

Napansin din nila na tila ba'y yumayanig ang buong lugar. Hinila siya ni Kluner, gamit lamang ang kaniyang buhok para makatayo. Masakit. Pero wala nang kasingsakit ang mawalan nang sobra.

"Kluner!!" Napatingin sila sa bagong dating. Nanlilisik ang dalawang mga mata ni Brooke na palipat-lipat ang tingin sa kaniya at kay Kluner.

"Ang bagal mo naman, mahal na kapatid. Ang dami nang naganap nang hindi mo alam." Ibinalik na naman nito ang espada sa bandang leeg ni Diara. "Huwag mo nang tangkain pa, kapatid, kung ayaw mong makakita ng panibagong trahedya."

"Kluner!!" sigaw na naman ni Brooke na hindi pa rin makaalis-alis sa kinatatayuan nito. "Bakit, Kluner? Bakit?"

Hindi makakilos si Diara sa kaniyang kinatatayuan. Mas lalong dumidiin ang espada ni Kluner sa kaniyang leeg.

"Isa kang manhid, mahal kong kapatid!" sigaw ni Kluner kay Brooke. Tumatawa pa ito habang mas madiin na ang pagkakahawak nito sa kaniya. "Ano'ng tingin mo sa akin? Habang buhay na maging anino ng isang katulad mo? Habang buhay na maging pangalawa na lang? Ang pagiging pangalawa ay may hangganan."

Kitang-kita ni Diara ang paghahanda ni Kluner sa maaaring panunugod ni Brooke. Umatras siya. Sumunod ang katawan ni Diara.

"Akala ko'y sapat na kapag mawalan ka na ng kakayahang lumaban. Akala ko'y sasaya na ako kapag mawalan ka ng palasyo at kapangyarihan. Pero, hindi! Ikaw pa rin ang tinitingala ng lahat. Ikaw pa rin ang hinahanap ng mga tao pagkatapos kong sirain ang reputasyon mo! Sawang-sawa na ako na ikaw lang ang nakikita ng lahat. Paano naman ako, Kuya? Paano naman ako?"

"Hindi 'yan totoo, Kluner."

"Hindi totoo o wala ka lang alam, Kuya?"

"Kluner - "

"Palibhasa, perpekto kang prinsipe. Hindi mo alam ang pakiramdam nang pagkatalo at kabiguan."

Sa kalagitnaan nang pagdadamdam ni Kluner, nararamdaman ni Diara ang bumabalik na ang kaniyang kapangyarihan. Hindi niya alam kung ano'ng nangyari, pero mukhang nagiba ang makapangyarihang harang ng palasyo.

ADK V: Dark Kismet (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon