Chapter 15: Shadow of Reincarnation

1.9K 65 15
                                    

Habang tumatagal, hindi alam ni Ivan kung saan o paano siya mag-uumpisa sa kanyang misyon. Habang tumatagal, mas dumadami pa yata ang sakit sa ulo.

Una, si Claire na walang pagtingin sa kanya. Pangalawa si Diara na parang misteryosa naman ang dating. Tapos ang babaeng nakita niyang dinukot sa may lagusan. At ang batang ito na nakalimutan niyang itanong ang pangalan.

"Ysures, ang pangalan ko," sagot nito sa kanya pagkatapos niyang tanungin, " Huwag mong kalimutan iyan! Ysures! Ysures!"

"Oo na, Y-su-res!" Pagdidiin niya habang mabilis niyang ginulo ang buhok nito na kadalasan niyang ginagawa sa kaniyang kapatid.

"Ano ka ba, estranghero!"

"Kuya Ivan na lang," sabay kindat kay Ysures, "Naalibadbaran ako sa 'estranghero' mo."
Tinapik siya nito sa may braso habang nakasimangot, "E, estranghero naman po kayo!" pagdidiin pa niya.

Hindi alam ni Ivan kung ano ba ang dapat i-react sa magulong bata na ito. Despite of her problems, she remains happy. Kahit sa puntong iyon, nakakabilib ang kanyang katatagan sa kanyang murang edad.

"Tara na," aya niya, "Iuuwi na kita sa palasyo ng Yuteria," aya niya.

"Hindi!" Pagdadabog nito. "Ayaw kong makita si Ate. Unahin nating makita ang Prinsesa."

Parang hindi yata sila nagkaintindihan ng batang ito. Unbelievable! How can he? Kailangan pa niyang hanapin ang babaeng iyon. At kung tama nga ang sinasabi nito na iisang tao lang ang kaniyang tinutukoy, bakit hindi siya kampante? Bakit may kulang?

"Hindi puwede," pagsalungat niya. Ayaw niyang maging babysitter. "Hahanapin ko ang prinsesa na sinasabi mo. Pero, kailangan mo nang bumalik sa Yuteria."

Napaatras ito sa kaniyang harapan. Bigla-bigla na lang nagbago ang mood nito. From a jolly kid, she turns cold. Terror reighs on her eyes. Hindi iyon maintindihan ni Ivan. Uuwi lang naman ito sa palasyo, pero bakit parang hindi akma ang reaksiyon nito sa inaasahan niya?

"Hindi na ko uuwi," pagdidiin nito habang umaatras, "Ayaw kong makita si Ate. Ayaw ko nang bumalik doon!"

Napakamot sa batok si Ivan. Paano na lang ang kaniyang plano?

Magiging balakid ang batang ito. Hindi safe ang kaniyang pupuntahan. Sigurado siyang magkakaroon ng isang labanan. What's worse, hind niya alam kung sinu-sino pa ang kaniyang makakalaban. Seven assasins. At isa lamang sa mga iyon ang nakita niya nang malapitan.
Whatever happens, he must do what he needs to do in this world. Kung kailangan niyang lumaban, lalaban siya.

"Sa ayaw mo o gusto, ihahatid kita sa Ate mo." Kung matigas ang ulo ng isang ito, mas ang kanya. Brat.

Halata na ang pagsimangot nito. Hindi siya pinansin at dali-daling lumabas ng kuwarto pababa sa isang underground stairs na matatagpuan sa kusina. Nasa loob pa ang lagusan ng isang lumang cabinet.

Nakakapagtataka at alam ng batang ito ang pasikot-sikot ng lugar na ito. Walang magawa si Ivan kundi ang sumunod na lang dito. Padabog pa rin itong naglalakad at sa bawat tapak nito sa hagdanan pababa, bigla-bigla na lang sumisindi ang mga kandila na nakalagay sa pader. At mula sa bahay, nagpatuloy ang hagdanan at nag-iiba na rin ang mukha ng kapaligiran. No longer has doors and ceiling, the place seems rocky. Katulad kanina, para nasa yungib na naman ang tingin.

"Bata! Saan tayo pupunta?"

"Huwag mo nga akong susundan, estrangero! Hindi ka nakakatulong sa akin!"

From floors to stalactites and stalagmites, pati panahon ay nagbabago na rin.  Lumalamig na rin ang simoy ng hangin. At kahit medyo makapal ang kaniyang polo shirt,  he can still feel the cold.  Ramdam niyang nangangatog na rin ang batang nasa kaniyang harapan. At maskalap pa, nakapaa lang ang isang ito habang iniindi ang lamig.

ADK V: Dark Kismet (✔️)Where stories live. Discover now