Chapter 26 [Part 8] - Back In The Game

139K 749 79
                                    

[Laureen's POV]

Natapos ang 4th quarter. Nagkagitgitan at talagang close fight. Pero nanalo kami sa match. Final score, Home - 81, Visitor 78.

Nanalo dahil sa huling three-point shot ni Lance.

"Galing naman Lance", sabi ko kay Lance ng makalapit sila sa amin.

"Course", sabi nya at kumindat sa akin. Tinanggal na nya ang tali nya sa buhok.

"Hi Laureen!", sabi ng isang boses ng lalaki.

Lumingon ako. Si Alex.

"Aah. Hi", sabi ko.

Napatingin silang lahat sa akin.

Oh sheeeems.

"Ano yan admirer na naman?", narinig kong sabi ni Ken kay Charm, pinalo sya ni Charm.

"Got your passport already?", sabi ni Alex.

"Ah, yeah", sabi ko.

"Hindi ka na nagreply", sabi nya.

OMO!

"Ah, eh busy kasi", sabi ko.

"Alright. Hey, is it ok if we go out again.....", naputol ang sinasabi nya kasi pabirong nagsalita si Ken.

"Boyfriend here", ngiting-ngiti pa si Ken. Si Ken. Siraulo talaga sya. Parang ang possessive nya sa akin para kay Luigi. Sinuntok nya si Luigi sa braso ng mahina.

Tumingin kami ni Alex kay Ken, "Ohhh, ok. May boyfriend ka na pala. Sino?", sabi ni Alex.

Tumango na lang ako, "Ahmm, oo. Si ano nga pala........", tumingin ako kay Luigi pero nag-iwas sya ng tingin, napansin ko tuloy si Billy na nakatingin din pala sa akin.

Nakakailang naman. Kelangan ko tuloy ipakilala ang "boyfriend" ko. KEEEEEENNNNN! Kung hindi ka lang kalbo, kakalbuhin kita eh.

"Luigi", tinawag ko si Luigi.

Tumingin sya sa akin, "Yes? Ako ba?"

Anong AKO BA? Malamang ikaw.

 

 

Ayaw nya lumapit.

Ano ba Luigi? Mas magaling ka sa akin pag ganitong sitwasyon diba? Diba dapat bumabakod ka na sa akin?

"Lex! Tara na! Aalis na van natin", may tumawag kay Alex.

"O sige Laureen. Una na ko. Bye!", nag-wave si Alex sa akin, "Guys, thanks nga pala ah. Nice game", sabi nya sa mga players na kasama ko.

"Thanks din pare....Next time ulit....", sabi nila kay Alex.

Pagkatapos ay umalis na si Alex.

-----------------------------------------------------------------------------------------------

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon