Chapter 28 [Part 1] - All or Nothing

140K 990 75
                                    

[Laureen's POV]

*Tugs tugs tugs*

Pagkatapos ng event napagkasunduan ng grupo na lumabas. Tutal madami daw dapat i-celebrate. Ang pagkapanalo nila sa game nila versus the guest players, ang magandang performance ng mga cheerers. At ang hakot awards na nakuha naming lahat sa Mr&Ms.

Dumating na ako sa bar.

Ako ang pinakahuling nakaalis sa aming lahat sa school dahil nakipag-chikahan pa ako ng konti kay Roxanne, yung girlfriend ni Jaycee. Nakakahiya naman kasing iwanan sya, habang nagbibihis si Jaycee. Wala naman syang ibang kakilala sa school.

Kinantyawan pa nga kami ni Roxanne na may chemistry nga daw kami ni Jaycee sa stage.

At ini-invite nya ako na minsan, ako naman daw ang dumalaw sa school nila pag may event. Sumama daw ako kay Jaycee minsan.

Pumasok na ako sa bar kung saan naunang dumating ang mga kasama ko. Pinauna ko na din si Charm kasi nga kasama ang cheerers.

"Laureen", mahinang tawag sa akin ni Billy nung makita nya akong palapit na sa kanila.

"Hey", sabi ko.

Walang imik si Charm, Aaron, Jake, Ken, Benj, Ivan, Jasmine sa table namin.

Wala don sina Kara, Luigi at Lance.

Umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Charm. May bakante kasing upuan sa gitna nila ni Charm at Aaron.

"Anong iniinom nyo?", tanong ko sa kanila.

Ngumuso lang si Jake sa mga inumin namin sa table.

Nakatingin sila sa isang direction. Kaya tumingin na din ako. Ang wi-weird nila.

Sa isang maliit na table sa may kabilang side ng bar. Nakatayo si Luigi, may kasama syang isang babae. Hindi ko kilala. Nakikipag-inuman sya at nakikipag-usap sa babae.

Ano?

Sa kabilang table na katabi non, andon si Kara at si Lance.

Napatitig ata ako ng matagal sa kanila. Pinisil ni Charm ang kamay ko.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon