Chapter 24 [Part 4] - Memory Lane

137K 648 31
                                    

[Kara's POV]

"May papakilala ako sayo Kars", sabi ni Luigi sa akin ng nakangiti.

Malapad na ngiti.

"Sino?", kumunot ang noo ko.

"Ayun oh, transferee, yung kalaro ni Jake ng badminton", sabi ni Luigi.

"Anong meron sa kanya?", tumaas ang kilay ko.

OH HINDI!  KINAKABAHAN AKO!

"We're dating", sabi ni Luigi.

OH MY GOD! AS IN OH MY GOD!

--------------------------------------------------------------------------------------------------

Tumakbo si Jake papunta sa bench na kinauupuan namin ni Luigi, kasama ang babaeng tinuro ni Luigi.

"Gi! Dyan ka na pala", sabi ni Jake.

"Yup, you done?", tanong ni Luigi sa babae.

"Yes", sabi ng babae.

"Ay teka, Kara, si Nicole pala", sabi ni Luigi sa akin.

"Hi Kara. Nice meeting you", sabi nung Nicole.

"Hi Nicole", sabi ko naman sa kanya.

GO TO HELL NICOLE!

"Una na kami Kars, Jake", paalam ni Luigi sa amin.

What the hell?! This can't be happening to me.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Naging close si Luigi at Nicole.



Unti-unti akong naitsapwera.

Di sila mapaghiwalay na dalawa.

At sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng matinding selos.

Si Luigi na hinintay ko ng matagal, ngayon may bago ng apple of the eye.

Si Luigi na sobra kung mag-care sa akin, ngayon halos wala ng panahon kausapin ako dahil laging si Nicole ang kasama nya.

Nakakainggit lang.

Nakakaasar.

Nakaka-frustrate.

Nakakaiyak sa sama ng loob.

Pero sabi nga nila, 'Keep your friends close and your enemies closer'.

Sa mga panahong yan, pinili kong mabuhay sa prinsipyong yan.

Kahit pesteng-peste ako sa pagmumukha ni Nicole, pinilit kong mapalapit sa kanya.

Para din mapalapit ako kay Luigi, syempre.

At para din makasagap ako ng balita tungkol sa kanilang dalawa, first hand.

But d*mn! It was killing me! Selos na selos ako palagi.

Tumagal ang halos dalawang taon at nanawa na siguro ang sistema ko sa araw-araw na pagseselos at nasanay na akong kasama si Nicole at Luigi. To the point na naging close na din kami ni Nicole at pag may tampuhan sila ni Luigi, sa akin pa sya napunta.

Yan ang setup hanggang end ng 3rd year. Dalawang taon silang naglambuchingan sa harapan ko. Pero minsan napapa-smile na lang din ako pag nakikita ko silang dalawa kasi mukhang masaya talaga si Luigi.

Pero.... Shet lang! Minsan sumusulpot pa din yung thought na 'AKO DAPAT YUN EH'.

Haaaay.

At dahil hindi ako lumayo sa dalawang yon, nakakasama ko pa din si Luigi.

Hindi nya ako tinatantanan kung may boyfriend na daw ba ako, kaya tuloy one-time nagpakilala na lang ako ng random guy para tumahimik sya. At nung ginawa ko yun, mukhang naging interesado ulit si Luigi sa buhay ko. Sort of.

Pero dahil lang yun sa nag-aalala sya na baka lokohin lang daw ako ng lalaking yon.

Anong akala nya sa akin weak?

Hanggang sa nakasanayan ko ng magpapalit-palit. Ok din naman, no commitment. At isa pa, hindi ako ready na mag-commit sa ibang tao.  Dahil sa isang banda ng utak ko, meron akong Luigi na naiisip. Baka pwede pa kami. Malay mo.

Kaya nag-set ako ng limit kung hanggang saan lang ako kahit na palagi na akong nagba-bar o nakikipag-date. Iningatan ko pa din ang sarili ko. Isa pa andyan si Jake na babatok sa akin pag may ginawa akong kag*gahan. Pinsan ko pa din sya.

------------------------------------------------------------------------------------------------------ 

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon