Chapter 24 [Part 3] - Memory Lane

143K 849 240
                                    

[Kara's POV]

Dumating ang 18th birthday ko at si Luigi ang naging escort ko. Sino pa nga ba? Bakasyon yan ng first year college.

Lahat ng classmates ko invited. Pati classmates ko nung high school.

At sa mga classmates ko nung high school na invited, merong isang umaaligid sa akin. Pero hindi ko naman sya pinapansin. Si Chris.

Excited ako sa 18th birthday ko dahil alam ko na pag 18 na ako, pwede na akong ligawan. This is it!

Si Luigi ang naging 2nd to the last dance ko. Pinakahuli pa din syempre ang daddy ko.

Nagsimula at natapos ang party ko ng maayos.

Pero gumawa ng eksena si Chris na NAGPALABO sa pangarap kong maging Mrs. Luigi Oliver Lim balang araw.

"Hi Kara, happy birthday", sabi ni Chris at inabot ang isang maliit na box sa akin, regalo nya.

"Thanks Chris!", sabi ko naman sa kanya.

"Buksan mo", sabi nya sa akin.

"Ah, eh. O sige", kaya binuksan ko ang maliit na box na naka-gift wrapper pa.

Nakita ko ang isang magandang bracelet na may palawit na 'K'.

"Wow! Ganda! Thank you Chris"

"Glad nagustuhan mo, suot ko sayo", sabi ni Chris sa akin. Kinuha nya sa akin ang bracelet at sinuot sa wrist ko.

Magte-thank you beso sana ako sa kanya pero hindi ko alam kung anong nangyari at aksidenteng tumama ang lips ko sa lips ni Chris.

Hindi ako agad nakareact. Una sa lahat nabigla ako. Second, first kiss ko 'to. Napapikit ako saglit at pagbukas ko ng mga mata ko, nakita kong nakatayo si Luigi sa harapan ko na may hawak na regalo. Kasama nya si Jake.

Mas lalo akong hindi nakagalaw.

Nakita ko na lang si Luigi na nag-smile ng bahagya sa akin at tumango, pagkatapos ay ipinatong nya ang regalo nya para sa akin sa ibabaw ng table. Nag-wave sya sa akin at umalis na.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon