Chapter 13 [Part 1] - Friday Night

183K 1.1K 124
                                    

[Laureen's POV]

Pagkatapos ng usapan namin ni Luigi nung gabing 'yon tungkol sa engagement ng pinsan nya, hindi ako nakatulog agad. Nabalisa ako sa mga narinig ko.

Kinabukasan non, nagising ako na nakatupi na ang comforter at nakapatong na sa kama. Nalaman ko na lang kay Lolo na may pupuntahan daw si Luigi at may aasikasuhin para sa engagement ng pinsan nya.

Pero nung umuwi naman sya nung hapon, ok naman kami, hindi na sya aloof. Nagpapansinan kami ni Luigi at sabay kaming nag-dinner.

"Girls!", kumakaway si Billy ng pumasok kami ni Charms at Julia sa cafeteria.

Lumapit kami sa kanya.

"Hello Billy", sabay-sabay kaming tatlo na bumati sa kanya.

Nakalatag sa pinagdugtong-dugtong na lamesa sa caf ang mga gamit nila. Mukhang may dina-draft sila. Si Aaron, si Jake, si Billy at si Luigi.

"Saglit na lang kami", sabi ni Billy.

Hindi lumilingon sa amin yung tatlo, busyng-busy sila.

Tumayo lang kaming tatlong mga babae sa pwesto namin.

Sinisilip ko kung ano ang ginagawa nila.

"Assignment para sa next week", sabi ni Billy.

Tumango-tango ako.

"Next week pa pala, ang aga niyo naman gawin", sabi ni Julia.

"Syempre Jules para wala ng gagawin sa weekend", sabi ni Billy kay Julia.

"Cool", sabi ni Charms.

Napatingin si Aaron, nakilala nya siguro ang boses ni Charms. "Oh, Hi!", sabi ni Aaron kay Charm.

"Hello", nahihiyang sabi ni Charm, "Mahirap ba yan?"

"Medyo", sabi ni Aaron, "Tignan mo, ganito o", sabi ni Aaron kay Charm.

Lumapit naman si Charm kay Aaron para tignan ang ginagawa nito.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon