Chapter 28 [Part 2] - All or Nothing

136K 993 104
                                    

[Charmie's POV]

"Charm, I'm sorry", sabi ni Aaron ng mahina sa akin.

Nakainom na si Aaron pero hindi pa naman siya lasing. Namumula-mula lang ang mukha nya.

"Hindi Aaron. Ako dapat ang mag-sorry sa'yo", sabi ko sa kanya.

"Ako dapat", sabi nya.

"Hindi, ako dapat", sabi ko.

"Pero diba.....", sabay kaming nagsalitang dalawa.

Napangiti tuloy kami sa isa't-isa.

"Aaron....", bago pa ako tuluyang makapag-salita, niyakap na ako ni Aaron agad.

"Miss na kita Charm", sabi ni Aaron habang nakayakap sa akin. Mahigpit na yakap. Ramdam ko ang pagka-miss nya sa akin. Pero mas naramdaman ko ang pagkamiss ko sa kanya.

"Na-miss din kita 'A' ", sabi ko sa kanya at niyakap din sya ng mahigpit.

KYAAAA! Wala ng kyeme-kyeme pa!

"Talaga?", binitiwan ako ni Aaron, at hinawakan ang mukha ko, parang malungkot na masaya ang mukha nya na hindi maintindihan.

Tumango ako.

"Sorry talaga Charm, hindi ako dapat nag-react ng ganon", sabi ni Aaron sa akin.

Ngumiti ako sa kanya, "Sorry din kasi may nasabi akong nakasakit sayo 'A' ", sabi ko sa kanya.

"Bago kasi ako sa ganito Charm. Pero please, payagan mo ako ulit lumapit sayo, kahit na may magkagusto pa sayong iba, hindi na ko magre-react ng ganon, basta payagan mo lang ako lumapit sayo", mahina at seryosong sabi ni Aaron sa akin.

Nawala ang ngiti ko, "Bakit hindi ka na magre-react ng ganon? Hindi ka na magseselos? Papamigay mo na lang ako?”, nakataas-kilay kong tanong sa kanya.

Naiirita ako sa sinabi nya.

"Magseselos pero hindi na ako mago-over react", sabi nya, "Kasi alam kong hindi dapat kasi hindi mo ako boy....", sabi ni Aaron pero hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon