Chapter 1 [Part 3] - The Dare

269K 1.9K 79
                                    

LAUREEN’s POV

“Hi”, someone said.

Napatingin ako sa kanya. Natulala ako. Gwapo sya at matangkad. Matino naman ang suot nya at mukha naman syang mabango. Nung makabawi ako agad ay di ako nagpahalata. Kinunot ko ang noo ko. Pero hindi ako nagsalita. Tumingin na lang ulit ako sa hawak kong shot glass.

“Hi”, he said again, “Alone?”

Hindi ako asumagot. Naiirita ako eh. Pag ganitong kakabreak ko lang wag kang loloko-loko saken. Pero gwapo sya ha. Atsaka tatanungin pa kung alone ako, eh nakita na gang mag-isa lang ako. Ang tagal naman kasi ni Charms kumuha ng tissue. Kinain na ba sya ng rest room?

“Ahmm , Miss, would you mind if I….” he said.

“Actually I’m not interested”, sabi ko. San ba galing yung sinabi ko? Halu-halo na. Nagiging masungit na ko  siguro dahil sa break up, sa paghihintay kay Charms at sa nainom ko.

Tumingin yung lalaking napadaan sa likuran ko sa sinabi ko.

“Ang sungit mo naman”, sabi nya.

Nagpapacute sya, pero bagay naman sa kanya. Kaso lang wala ako sa mood. Kaya sumagot na lang ako ng mahina. Baka kasi napahiya din sya sa sinabi ko.

“Sorry, mejo napainom lang”.

Umupo sya sa tabi ko at ngumiti “It’s ok, sorry accepted. Pero can I ask a favor?”, sabi nya.

Mabango ang mokong kahit mukhang nakainom na sya. Mamula-mula na ang pisngi nya at singkit-singkit na. Oh talagang singkit sya, o nagpapacute na naman. Gwapo nga si mokong.

“Kung kaya, sige”, ako ba talaga to? Nakikipagusap ako sa hindi ko kakilala? Haynaku, gwapo kasi. Haha

“Can I have your drink?” he asked.

Dahil di ko na din naman kayang inumin yun, binigay ko nalang sa kanya. Inabot ko ito at nahawakan nya ang kamay ko. Ang lambot ng kamay nya, siguro mayaman to.

“Thanks”, ngumiti sya at slow-mo binitiwan ang kamay ko. Sinadya nya yun, style mo bulok.

“This will taste better if you pair this with salt and lemon”, he said, malapit sa tenga ko.

Tumayo ang balahibo ko at mahinang “Yeah” lang ang sinagot ko.

Nagulat ako ng may maliliit na butil na pumatak sa leeg ko at swabeng dinilaan nya ko sa leeg ko sabay shot ng vodka at kagat sa lemon na hawak nya.

Biglang pasok ng woman-instinct ko at nasampal ko sya. Nagulat sya ginawa ko. Kahit ako nagulat din. Pero feeling ko nabastos ako kaya tumayo ako sa upuan ko at aalis na sana ng hinawakan nya ko sa braso.

“Hey, hey, teka lang, ang sakit non ah”, naiinis nyang sabi.

“Dapat lang yun sayo!” sagot ko. “Bastos ka kasi!”

“I asked you and you responded ‘Yeah’!", sagot nya.

“Ang kapal mo! G*go ka pala eh! Hindi naman yun yung sinagot ko eh, Yeah ang sabi ko nung sinabi mo na it would be better with salt and lemon!”

Pinilit kong makawala ang braso ko sa pagkakahawak nya. Aakmang aalis na ko ng may sinabi sya.

“Miss pakipot” inaasar nya ko lalo.

Lumingon ako.

“TV ka ba na walang antenna? Sabi nya.

Tumitig lang ako sa kanya ng masama.

“Kasi ang labo mo!”, nangaasar nyang sabi.

Natawa ang mga taong nasa malapit lang na table na nakarinig. Puro lalaki pa naman. Di pwede 'to, ako naman ang napahiya.  Bilisan mo maglakad papalayo Laureen. Di ka naman palage nagpupunta dito eh kaya di ka nila matatandaan. Dalian mo na Laureen, alis ka na dito. Pero may naisip ako kaya tumigil ako.

“Mister!”, nilakasan ko ang boses ko para marinig nya ko, lumakad na din kasi sya ng kaunti. Lumingon sya sa akin. Nagaayos sya ng buhok nya nung lumingon sya. Gwapo nga talaga. Sayang ang yabang eh.

“Eh ikaw, air-con ka ba?”

Natameme sya. Siguro di nya inaasahan na babanat din ako.

Napaupo sya sa pinakamalapit na upuan.

“Kasi ang presko mo eh, ang lakas ng hangin!”

Nagtawanan ang mga lalaki sa table. Kinakantyawan sya. Shocks! Mga barkada nya yata yun! Tamang-dating naman si Charms, hinila ko sya sa braso at tuluyan ng umalis sa bar.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon