Chapter 17 [Part 4] - This Means War ****

179K 1.2K 237
                                    

*Ang hirap ng chapter na 'to

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

[Laureen's POV]

[School]

"Charmieeee....", tawag ko kay Charm pagtapos ng morning class namin. Lunch time na.

"Yes?", flat na sagot ni Charm.

"Date naman tayo o", malambing na yaya ko sa kanya habang nakapangalumbaba ako sa mesa nya, nilapit ko kasi ang upuan ko sa kanya.

"Anong meron?", parang wala lang na tanong ni Charm.

"Wala naman", sabi ko sa kanya.

"Busy kasi ako eh", sabi ni Charms sa akin, "Next time na lang"

Pagkatapos ng pagtawag ko ng 'HON' kay Luigi sa harap ng buong barkada, hindi ako tinawagan ni Charms, hindi din nya ako kinukulit tungkol doon.

Walang tanong. Parang deadma lang.

Hindi ko tuloy alam kung satisfied lang sya sa explanations ni Jake, o kaya talagang ini-ignore nya lang dahil wala syang pakialam o hinihintay nya akong magsalita.

Feeling ko tuloy nire-reverse psychology nya ako. Dahil alam nyang pag mas makulit sya, mas hindi ako nagsasalita.

Pero one thing is for sure, kino-cold treatment ako ni Charms.

Ilang araw na syang ganyan.

"READY KA NA LAUREEN?", masayang sabi ni Julia sa akin na nasa likuran lang namin ni Charms.

Para siyang kinikilig sa pagtatanong nya kung READY NA BA AKO? Actually dapat ganon din ang reaction ni Charm, dahil ilang beses na din nila ako inaasar tungkol dyan sa READY-READY na yan.

Pero si Charms ngayon ay:

"Oo nga, ready ka na?", walang kabuhay-buhay na sabi ni Charms.

"AYOKO NAAAAAA!", napalakas ang pagkakasabi ko. Dahil sa halu-halong tense at frustrations kay Charm.

"Di ka na pwede mag-back out", flat na sabi pa ni Charms.

"HALA! HINDI NA PWEDE! BASTA IKAW NA! Hihihihihi", sabi ni Julia.

Sumimangot lang ako kay Julia.

"O sya, alis muna ako, puntahan ko si Billyboy. Kamustahin ko lang. Ewan ko don kay Billy, nagso-solo flight sa lunch. Bye girls. See you later", sabi nya pa, tapos kumaripas na ng alis.

Si Julia gaya pa din ng normal na kilos nya, paano walang alam. Lagi kasing umuuwi ng maaga.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon