Chapter 6 [Part 2] - Stares

200K 1.1K 58
                                    

[Laureen's POV]

 

Parang sasabog ang ulo ko! Ano bang nangyayari sa paligid ko?

Inhale-exhale. Inhale-exhale. Inhale-exhale.

Naririnig ko ang ingay ng mga taong nandito sa court.

Ang lakas ng hiyawan. Akala mo naman puno ng tao dito ngayon.

"Go Luigi!"

 

"Go Benj!"

 

"Go Billy!"

*Dribble dribble*

Hindi ako nakatingin. Ayoko na manood. Nakahawak ako sa noo ko at nakapikit.

Parang naiinis ako na napipikon na hindi makapaniwala.

"Hoy Billy, yung binabantayan mo, huy! Saan ka ba nakatingin!"

 

"Shoot mo Benj!"

 

"Billy, face on the game! Ano bang ginagawa mo? Focus!"

"5"

 

"4"

 

"3"

 

"2"

 

"1"

 

*Long sound of buzzer*

 

"Woohoo!"

 

"Yeah men!"

 

"Good job boys!"

Tapos na ang game. Malay ko kung sino nanalo. Wala akong pakialam.

Nakahawak ang kamay ko sa noo ko at nakapikit ako.

"Laureen", may nagsalita, tinawag ang pangalan ko.

Inangat ko naman ang ulo ko. Si Billy. Pawis na pawis at hinihingal.

"Hey, are you ok?", tanong nya.

"Ha? Oo naman, I'm ok. Why?", tanong ko sa kanya.

"Nakita kasi kita nakahawak jan sa ulo mo kanina pa. Masama ba pakiramdam mo?"

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon