Chapter 8 [Part 1] - Blue Team

188K 1.2K 92
                                    

[Charmie's POV]

"Kuyaaaaa! Lumabas ka nga dito sa kwarto ko!"

"Baket ba? Baket mo ba ako pinalalabas?"

Si kuya Gelo, kanina pa yan nandito sa kwarto ko at pinapanood ako. Pinapanood akong make up-an ni mommy.

Pasaway!

Aligaga sa tuwa ang mga tao sa bahay namin nung malaman nila na may pupuntahan akong party ngayon.

Lahat na nagpresinta.

Yung kasambahay namin nagpresinta na sya na ang magbabalot ng gift ko para sa may birthday. Si Mommy nagpresinta na mag-make up sa akin. Si kuya Gelo nag-presinta na sya na daw ang maghahatid sa akin sa party. Pati si kuya Bryann na nasa Australia, talagang ni-facetime pa ni kuya Gelo para mapanood ako habang mini-make up-an. At ang kuya Bryann nagpresintang sya na daw ang bibili ng unang personal make-up kit ko. Yung lahat daw ng colors ng eye shadow nandoon. At wag daw ma-dare-dare ni kuya Gelo na unahan sya na bigyan ako non.

Mga baliw!

"Grrrr! Dali na kuya Gelo! Labas na! Ayoko na nga!", tumayo na ko sa upuan.

"Hahaha. Sige na nga lalabas na po! Oh Bry, putulin na natin 'tong facetime. Mamaya naman pag naglalakad na si Charmaine. Haha".

"Sige, sige", narinig kong sabi ni kuya Bryann sa kabilang linya.

Tinignan ko lang ng masama si kuya Gelo.

Lumapit sya at pinisil ang pisngi ko habang tumatawa.

"O teka Bry, masisira ang make up ni Charm", sabi ni Mommy.

"Sorry, sorry. O Charm, basta ako na maghahatid sa'yo ha".

"Akala ko ba may lakad ka?", sabi ko sa kanya.

"Eh pagpapalit ko ba naman 'tong pagkakataon na 'to?", nakangiting sabi ni kuya Gelo. "Hayaan mo sila maghintay sa akin", sabi nya pa.

Nag-pout ako sa kanya.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon