Chapter 12 [Part 2] - Hon **

184K 1.1K 112
                                    

[Laureen's POV]

"I'll sleep now", sabi ni Luigi.

  

Talaga bang iiwasan na nya ako forever?

  

Tinignan ko na lang sya habang inaayos nya ang higaan nya sa sahig.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[School, Badminton Practice]

"Danica, ang galing-galing mo naman!", sabi ko.

"Ikaw din naman eh", sabi ni Danica sa akin.

"Mas magaling ka", sabi ko.

"Asus! Naku, mas magaling pa din sa akin yung dating player na pinalitan mo. Nag-drop kasi", sabi nya, "Jake, kayo naman ni Gian ang mag-practice", sabi nya sa dalawang lalaki.

Umupo na kami sa mga upuan sa court.

Sina Jake at Gian naman ang naglalaro ngayon.

Tapos na ang cheerers mag-practice at nagbibihis na si Charm ngayon. Hindi ko na pinanood ang practice ni Charm dahil umiiwas ako sa monster.

Naunang umalis sa akin si Luigi kanina sa bahay. Mas maaga ang practice nila kesa sa amin.

Ganon pa din sya sa akin. Aloof.

"Hello!", sabi ni Billy, dumating na ang mga varsity players.

"Hi Billy", sabi ko sa kanya.

Nakita ko si Aaron, pero wala si Luigi sa grupo nila.

"Kapagod", sabi ni Billy.

"Napagod ka?", tanong ko sa kanya.

"Hindi naman masyado", sabi ni Billy, "Kaw?"

"Hindi din naman masyado", nag-ngitian kami ni Billy.

"Ayan na si Charm", sabi ni Billy pero nakanguso sya kay Kara.

"Haha. Thank you for the warning", sabi ko kay Billy.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon