Chapter 27 [Part 1] - Mr & Ms

151K 1K 407
                                    

[Laureen's POV]

Hihiwalay muna ako sa grupo ng cheerers at varsity team. Mahaba pa ang oras ko bago ang final rehearsal para sa Mr&Ms. Hindi naman actually rehearsal. Mabilisang pasada lang ng mga steps sa sayaw at mga gagawin at hindi dapat kalimutan.

Busy naman magkwentuhan ang cheerers tungkol sa performance nila at nanonood sila sa recording sa isang cellphone ng sayaw nila.

Ganon din ang mga basketball players, kanya-kanya silang hilata at pahinga sa court.

Naglalakad na ako palayo ng tinawag ako ni Charm, "Laureen! Where are you going?", sabi nya.

Si Charm ang lakas ng boses, tumingin tuloy sila lahat sa akin.

"Restroom", sabi ko na lang.

"I'll go with you", sabi ni Charm.

"No, it's ok. Stay here", nag-smile ako sa kanya atsaka ako tuluyang umalis.

Ayoko namang agawin sa kanya ang pagkakataon na purihin sya ng mga kasamahan nya dahil sa performance nya.

Ayoko din muna sumiksik sa players dahil:

Una - si Ken, hindi ako tatantanan sa kaka-HON nya.

Pangalawa - Si Aaron, pinipigilan ko ang sarili kong kausapin sya para kay Charms.

Pangatlo - Si Billy, pagkatapos ng kissing scene namin, hindi ko na alam kung ano na ba ang nangyayari sa amin, umaarte na nga lang akong normal eh. Hindi pa kami ulit nakakapag-usap ng matino pagkatapos kong magpakalasing.

Pang-apat - Si Luigi, hindi ko alam kung anong meron sa kanya. Parang hindi ako nag-eexist. May nagawa na naman ba ako?

Panglima - si Lance, napapaisip ako sa kanya. Bakit nya ako tinanong ng 'What happened?' At bakit tinatapik-tapik ako ni Lance pag nahuhuli nya akong nakatingin kina Kara at Luigi.

Sumasakit na ang ulo ko sa kanila. Sumasakit ang ulo ko sa mga lalaking 'to.

-------------------------------------------------------------------------------------------

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon