Chapter 24 [Part 5] - Memory Lane

138K 753 109
                                    

This is it.... *hingang-malalim*

--------------------------------------------------------------------------------------------

[Kara's POV]

Dumating ang bakasyon. Tapos na ang 3rd year namin. At dalawang taon na lang ga-graduate na kami.

Isang gabi nung bakasyon na yon habang nakatanaw ako sa bintana ng kwarto ko, nakita kong nag-park ang kotse ni Jake sa labas ng gate.

Bumaba sya sa sasakyan nya at umikot sa passenger seat, at nagulat akong lumabas doon si Luigi na halos hindi makatayo ng tuwid. Parang binubuhat sya ni Jake. May kasama pa silang dalawang lalaki. Yung isa, si Lance. Yung isang lalaki, hindi ko kilala.

Dali-dali akong lumabas ng kwarto ko at pumunta sa kanila. Nasalubong ko sila papasok ng bahay.

"Gi? Anong nangyari sayo?", tanong ko kay Luigi.

"Hi Kars", sabi ni Luigi sa akin at naglakad sya papalapit sa akin, pero natumba lang sya sa sahig. Napaluhod sya.

"Gi....", hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa nakikita ko, "Jake, what happened?"

"Nicole", mahinang sabi ni Jake.

"Don't you dare mention that girl's name again Jake!", pasigaw na sabi ni Luigi kay Jake.

Si Luigi, lasing na lasing sya, malalim ang mga mata nya. At hindi nya kayang tumayo man lang ng tuwid.

Nicole? Anong nangyari? Anong meron kay Nicole?

"Kara, pakuha na lang ako ng pampunas kay Luigi", sabi ni Jake.

Pinagtulungan na nilang buhatin si Luigi paakyat ng kwarto ni Jake.

Sinunod ko ang sinabi ni Jake, nagdala ako ng maliit na planggana at pampunas kay Luigi.

Habang naglalakad ako nakarinig ako ng parang may nabasag sa loob ng kwarto ni Jake.

Pagdating ko sa loob ng kwarto ni Jake, nakita kong basag na ang isang picture frame. Picture ni Jake at Nicole na may nakasabit sa kanilang medals at may hawak silang raketa.

What did you do Nicole?

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon