Chapter 19 [Part 2] - TLC

160K 1.1K 76
                                    

[Luigi's POV]

[School]

Pumasok na ako sa school. Umalis ako ng bahay ng natutulog si Laureen.

"Nasaan si Laureen?", tanong ni Charms ng lumapit sya sa may table namin.

Kasama ko si Jake.

Hindi ako nagsalita, tumingin lang ako kay Charm.

"Asush! Hoy papa Luigi! Alam ko na, sinabi na ni Laureen sa akin noh", sabi nya sa akin ng nakangiti.

"Aah", sabi ko. Tumango-tango ako.

"Alam ko din na alam ni Jake", sabi ni Charm tapos kay Jake naman sya tumingin at ngumiti.

"Hehehe", kumamot na lang sa batok si Jake.

Bigla namang sulpot ni Billy at Aaron sa table namin.

"Tara na Gi, mag-start na ang practice nyo", sabi ni Aaron.

"Dedicated committee member ah!", sabi ni Jake kay Aaron.

"Syempre! Dali na! Andon na si Kars", sabi ni Aaron.

"Andon na ba si Kars? Sige, teka", sabi ko, inayos ko na ang mga gamit ko.

"Charm, asan na si Laureen?", sabi ni Billy, "Nasan na yung pagpi-PA-han ko?"

"Hindi din nagtetext sa akin eh. Kaya nga hinahanap ko din eh", sabi ni Charm.

"Sos! Wag mag-panic! Chillax! Andito si hon o! Gi, nasaan na si Laureen-Hon?", tumatawang sabi ni Aaron.

"Tss! Naka-text ko kanina. Buong maghapong-tulog, dini-dysmenorrhoea daw sya", sabi ko sa kanila.

"Aaah.... Oo nga, ganon nga 'yon pag dini-dysmenorrhoea", sabi ni Charm.

"Tara na Aaron", sabi ko kay Aaron.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon