Chapter 15 [Part 1] - We're In This Together

191K 1.3K 149
                                    

[Laureen's POV]

Nagising ako na masakit ang ulo ko.

Tumagilid ako ng paghiga.

Ano 'to?

Binukas ko ang mga mata ko para makita ang nahawakan ko. 

Hita. Nakahiga ang ulo ko sa hita.  Hita ni Luigi.

Nakaupo sya sa kama at may hawak na iphone habang nakahiga ako sa may hita nya.

"Hey", sabi nya sa akin ng naka-smile pagkakita nyang nagising na ako.

"Luigi....", tamad na tamad kong sabi.

"Good morning", sabi nya sa akin.

"Morning din Luigi", inalis ko ang ulo ko sa may hita nya, at sa unan ko na pinwesto ang ulo ko, "Sorry sa hita mo na pala ako naka-unan. Nangawit ka ba? Matagal na ba ako naka-unan sa hita mo?"

"Ok lang yun. Mga isang oras lang siguro. Don't worry, hindi naman ako masyado nangawit", sabi nya.

"Ganon katagal?", nahihiya kong sabi sa kanya.

"Hmmm..Oo..Ayokong gisingin ka eh, ang himbing kasi ng tulog mo", sabi ni Luigi.

Ngumiti ako kay Luigi, "Sorry Luigi", sabi ko sa kanya, "Tsaka thank you", sabi ko pa.

"Welcome", sabi nya at nag-smile din pabalik, "Ok ka na?", tanong nya sa akin.

Tumango-tango ako at nag-smile, "Ok naman ako. Nabigla lang talaga ako kagabi. Thank you pala kagabi Luigi ha, di mo ko pinabayaan"

Nag-smile si Luigi sa akin ulit, "You're welcome", sabi nya.

"Nakakahiya na sayo, pangalawang beses na 'to", nahihiya kong sabi sa kanya.

"Hmmm. Ok lang", sabi nya.

"Sorry talaga ha", sabi ko kay Luigi.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon