Chapter 9 [Part 2] - Unexpected **

181K 1.1K 94
                                    

[Laureen's POV]

"Oh really? That's nice. Luigi will be staying here as well", masayang sabi ni Tito Nilo.

Napatingin ako kay Tito Nilo.

Ano daw? Ano daw yon?

"Tumawag ako kanina kay Papa sa States.  Ayaw pumayag ng Papa na walang bantay ang Tito Lauro", tumingin sya kay Lolo, tinaas ang dalawang balikat at palad nya, pagkatapos ay ngumiti, "Uuwi daw sya agad as soon as matapos nya ang mga dapat gawin don", panimula nya.

"Kaya nagusap-usap na kaming tatlo kanina. Ang gusto nga sana ng Papa, ako ang magbantay, wala namang problema sa akin, 'coz Tito Lauro's like a father to me already. But, given the office works and this new deal that we just closed.....", nag-pause si Tito Nilo, siguro napansin nya ang nagugulahan kong expression sa mukha.

"........Ok, to make the story short, I'll be in-charged of the office works while Tito Lauro's on leave. And Luigi will stay here instead of me. Para may lalaki naman dito kahit papano, kasi gaya nyan kanina --hindi kinaya ni Issa si Tito Lauro", pagtatapos ni Tito Nilo.

Whaat? Tumingin ako kay Lolo.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nag-excuse si Lolo sa mag-ama, kaya naiwan kaming dalawa ni Lolo Lauro sa kwarto nya.

"Yes apo, Luigi will be staying here for the meantime. Mas ok nga 'yon kesa sa gusto ni Nilo kanina na mag-hire pa ng isang tao na magfu-full time magbantay sa akin. At least pag si Luigi, he will be here only after school", nag-smile si Lolo.

"Hindi ko masyadong mararamdaman na binabantayan talaga ako", tumawa ng mahina si Lolo.

Napangiti lang ako ng bahagya. Si Lolo talaga, matigas ang ulo.

"And it's nice to know that you'll be staying here as well. At least makikita ko kayong dalawa parehas ni Luigi. Tumatanda na ako........ I want to know........ I want to see........ if I can entrust you to Luigi........ My precious grand-daughter", hinawakan ni Lolo ang pisngi ko at hinaplos.

"Ikaw apo, ang pinakamahalagang tao para sa akin. Hindi kinakaya ng puso ko kapag naiisip kong maiiwanan kitang mag-isa", sabi ni Lolo na parang lumungkot ang mukha niya.

Naiiyak na naman ako sa sinabi ni Lolo. Kahit anong pigil ko sa mga luha ko, ayaw na nila magpaawat sa pagpatak.

Hanggang huli ako pa din ang iniisip nya.

Para sa akin ang lahat. Ang company, ang bahay, ang condo, magandang edukasyon, ang lahat-lahat ng material na bagay na pinupundar ni Lolo. Lahat yun para bigyan ako ng magandang buhay.

Kahit humihina na ang katawan nya ako pa din ang inaalala nya. Lahat ng ikakasiya ko.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon