Chapter 8 [Part 3] - Ripple Effect

188K 1K 78
                                    

[Charmie's POV]

  

"Ano Charm? Humupa na ba ang isang basong alak sa katawan mo?", sabi ni Billy sa akin.

"Haha. Grabe ka naman, may tinatamaan ba sa isang baso lang?", sabi ko.

  

"Haha. Eh para kang na-possess kanina don sa dance floor eh", sabi ni Billy.

  

"Oo nga Charm", sabi ni Laureen.

"Eh kayo din naman ah!", sabi ko sa kanila.

"Mas malala ka Charm", sabi ni Laureen.

"Eh ganon talaga. Hayaan na! Hehe", sabi ko sa kanila.

Natawa naman yung dalawa sa sinabi ko.

"Etong si Billy pala may tinatagong talento eh!", sabi ko.

"Ano? Itago ko na lang?", sabi ni Billy na naka-smile sa akin.

"Hu-Waaag! Ilabas mo lang Billy! Ok naman eh!", sabi ko.

"Haha. Charm iinom mo na lang yan oh", natawa si Billy sa sinabi ko at iniabot sa akin yung natitirang red wine na nasa table namin, yung red wine nya na tinikman lang nya kanina.

"Jan mo ibigay kay Laureen yang wine na yan ng mawala ang hiya", sabi ko.

"Wow bes! Ako ang nakita? Ako ba ang may saltik ngayon na gustong-gusto sumayaw? Ha?", sabi ni Laureen.

"Akin na Billy", kinuha ko kay Billy ang baso at nilagay sa tapat ni Laureen.

  

"Ayoko nga", sabi ni Laureen.

  

Tumawa kami ni Billy sa expression ng mukha nya. Nakakunot kasi yung noo nya.

 ------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[Jake's POV]

"Asan na ba si Luigi?", sabi ni Kara.

  

"Kara, malaki na yun hindi yun mawawala", sabi ko.

  

"Kars, masyado ka, hinahanap mo yung tao eh saglit pa lang nawawala", sabi ni Aaron sa kanya.

"Nangingialam?", mataray na sagot ni Kara kay Aaron.

  

"Easy Kars!", sabi ni Lance.

  

"Oo nga Kara", sabi ng ibang mga babaeng kasama namin sa table. Dumikit kina Ken at Lance to be exact.

Tinaasan lang sila ni Kara ng kilay.

"Kara, tantanan mo na muna yung tao kahit saglit", sabi ko.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon