Chapter 27 [Part 5] - Mr & Ms

142K 1.3K 440
                                    

[Laureen's POV]

Pinagbihis na kami ng huling damit namin. Yung damit namin para sa dance.

Pinakahuling part ng program kung saan magkakasama ang lahat ng reps.

"Wow!", sabi ni Jaycee sa akin ng makita akong naka-bihis na, "I didn't know you'll look more beautiful pa pala Ms. IT!"

"Wow friend!", sabi ni Ken.

"Beautiful", maamong sabi ni Billy.

Tumatango-tango si Lance sa akin at nag-smile.

"Mga bolero!", sabi ko sa kanilang lahat.

Serpentine cut. Naka-serpentine cut ako na evening gown. Walang straps. Heart shape front. Navy blue.

Si Jaycee naman naka suit.

Inikot ko ang mga mata ko sa backstage. Nacurious ako sa mga suot ng mga iba pang girls. Pero nag-signal na isang member ng committee na lalabas na ulit kami for the dance.

Gaya ng dati, Multi-media Arts muna, kaya yung partner ni Benj ang unang umakyat sa stage. Naka-beige ito na evening gown. Pumunta sya sa isang sulok ng stage.

Sumunod ang Management. Lumabas ang partner ni Drake na naka lavender na evening gown. Ganon din pumunta sa sulok kung nasaan yung partner ni Benj. Doon kasi kami lahat pe-pwesto.

Sumunod ang partner ni Lance na naka-off white pero may black and silver na accents.

Ako na ang sumunod.

Pagkarating ko sa pwesto ko, lumabas na din si Kara at naglakad sa stage. Nakasuot sya ng red na empire cut gown.

Kita ko na ang mga lalaki na nagpe-prepare na sa paglabas nila.  Nakita ko pang nag-uusap si Jaycee at Luigi. May sinasabi si Jaycee habang naka-smile sya kay Luigi. Pero si Luigi umiling. Tinapik sya ni Jaycee sa balikat.

Isa-isa na ding lumabas ang mga lalaki.

Nag-ga-gwapuhan sila.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon