Chapter 4 [Part 1] - Guide

255K 2K 126
                                    

[Laureen's POV]

9:00am, gising na ako, hindi na ako ulit makabalik sa tulog, kaya tumayo ako at nagtimpla ng juice. Umupo na ako at bubuksan ko na sana ang TV ng tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa sandalan ng sofa ko. Sinilip ko muna kung sino ang tumawag, ang aga pa kung si Charms man yang tumatawag para i-remind ako sa dinner ng family nila mamaya.

  

Nangako ako kay Charms kagabi na pupunta ako sa bahay nila ngayon at sasabay sa dinner. Gusto ko din naman agahan dahil namiss ko na din ang mga kuya ni Charms. Makukulit, mababait at malalambing kasi ang mga ito sa akin. Parang nakababatang kapatid na din ang turing nila sa akin. Pag nauwi ang mga ito galing sa Australia, di sila nakakalimot pasalubungan ako. Matagal na nga nila ako niyayaya na bisitahin ko sila sa Australia, magbakasyon daw kami ni Charms doon, sagot nila lahat. Kaya talagang binalak ko na agahan ang pagpunta sa kanila panigurado madami kaming pagkwekwentuhan. Kung hindi man sila ang makipagkwentuhan sa akin, malamang si Charms ang dadaldal sa akin buong maghapon hanggang mag-gabi sa pagkwekwento nya ng Singapore-Malaysia escapade nilang mag-anak.

Si Lolo ang tumatawag.

Kinuha ko na ang phone ko at sinagot, "Hi Lo! Good morning po!"

"Hi apo! Good morning. Good gising ka na."

  

"Napatawag po kayo, bakit po?"

"Wala naman, namimiss lang kita apo."

"Si Lolo naman, I miss you too Lo!", sagot ko sa naglalambing din na boses.

"Really? So you're coming with me today?", tanong ni Lolo sa akin.

"Where?", I asked.

  

"Horse-back riding", he beamed.

  

"Wow! Akala ko ayaw nyo po ako maghorse-back riding kasi it's too dangerous for me!", I replied.

  

"Hmmm. You're all grown up. And from the looks of it, I think you're looking for something new, something exciting, adventurous", sabi ni Lolo.

I must explain. Galing ako sa bahay ni Lolo last week. Bigla nya akong pinatawag sa bahay nya kaya nagpunta naman ako.

********FLASHBACK********

"Laureen, apo, are you inclining yourself into some vices lately?"

  

"Vices?", naguguluhan kong sabi.

"Yeah hija, vices. In tagalog bisyo, like alcohol, smoking ....", nagbibirong sabi ni Lolo at tumabi sya sa akin sa sofa.

  

"I know Lolo", I rolled my eyes, at pinakita ko talaga sa kanya, alam naman nya na nagbibiro lang din ako. 

"Apo, do you have a problem? We can talk about it. You know that", this time he’s sincere.

  

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon