Chapter 28 [Part 3] - All or Nothing

142K 1.3K 524
                                    

[Laureen's POV]

 

Pagkatapos ng masayang nangyari kina Charm at Aaron, pumasok na kaming tatlo sa bar.

Naka-palibot ang isang kamay ni Aaron sa bewang ni Charm, tapos yung isang kamay nya naka-akbay sa akin.

Pagdating namin sa table namin tahimik ang mga tao.

Si Billy nakatingin sa aming tatlo, pero mas lalo kay Charm at Aaron.

"Hey", sabi ni Lance sa akin, sinenyasan nya ako na tumabi sa kanya. Kaya umupo ako sa tabi ni Lance. Ngayon ko lang napansin, may kasama pala kaming iba sa table, kaharap ko ang isang babaeng hindi ko kilala. Napakaganda nya. May bakanteng upuan sa tabi ng babae.

Katabi ko si Billy sa kabilang side ko.

Naupo sina Charm at Aaron sa kabilang side ni Billy.

Kinuha ni Aaron ang kamay ni Charm ang inintertwine ang mga daliri nila, pinatong nya yun sa ibabaw ng table.

"K-kayo na?", sabi ni Billy kay Aaron.

"Congrats 'A' ", sabi ni Jake at Lance.

"Thanks guys", sabi ni Aaron, "Ang ganda ng girlfriend ko diba?", tapos nakipag-toast sya kina Lance, Billy at Jake bago uminom.

Si Charm namumula lang.

Si Ken tahimik lang na umiinom. Wala sa mood. Parang ako lang.

"Joyce, here's your drink"

Napa-angat ang ulo ko sa taong nagsalita.

Si Luigi.

Napatingin sya sa akin saglit tapos kinausap na ulit nya ang babaeng nasa tapat ko.

"Thanks Gi", sabi nung Joyce. Habang umuupo si Luigi sa tabi ni Joyce.

"Ipakilala mo naman si Joyce sa mga bagong dating", sabi ni Ken na nakatingin ng masama kay Luigi.

Nagtitigan si Luigi at Ken, bago nagsalita si Luigi.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon